Hawakan ng kamay ng mga tao sa elevator, tinapakan, huli sa piktyur… Bianca at Ruru, may sey ang mga
- Beth Gelena
- Mar 4, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Nag-post ng piktyur si Ruru Madrid sa socmed na parang kuha sa loob ng elevator para batiin ang rumored girlfriend na si Bianca Umali sa kaarawan nito pero pansin ng mga netizens, parang hindi raw sweet ang dalawa.
Para lang silang magkaibigan na nasa isang lugar at nagse-selfie habang si Bianca ay umiinom ng milk tea. Pansin pa ng mga netizens, parang negative vibes diumano ang aktres.
“Sayang, mahusay at maganda pa naman s’ya. Iha, may time pa to cope up.”
Trying hard daw na pa-impress kay Ruru si Bianca.
Binatikos naman ng ibang netizens ang celebrity couple dahil makikita sa larawan na tinapakan nila ang handrails na ginagamit ng mga tao.
Anila: “Kaya kumakalat ang mga virus, eh… how inconsiderate.”
“Ang kakapal ng mga mukha, alam na nga na maraming virus ngayon, kung makaapak sa handrail, wagas! Padilaan ko sa inyo ‘yan, eh.”
May point naman ang mga netizens lalo na ngayong nagkalat ang COVID-19. Dapat talaga ay maging maingat.
Sadyang galit ang mga netizens kaya sinabihan pa silang “The most negastar of Kapuso’ – Ruru “overexposed” Madrid.”






Comments