Dahilan ng dugo sa semilya
- Shane Ludovice
- Mar 4, 2020
- 1 min read
Dear Doc. Shane, Kapag nagtatalik kami ng misis ko, napapansin ko na may dugo ang aking semilya. Napapaisip tuloy ako na baka ito ang dahilan kung bakit hindi kami nagkakaanak? Mahigit tatlong taon na kaming kasal pero wala pa rin kaming anak. Ano ang dapat kong gawin? - Mel
Sagot Ang pagkakaroon ng dugo sa tamod o semilya ng lalaki ay tinatawag na ‘hematospermia’. Bagama’t, maraming posibleng dahilan ang karamdamang ito, sa totoo lang, ang marami rito ay hindi maipaliwanag at sa maraming kaso rin ay hindi ito seryosong kondisyon. Maaaring ito ay dulot ng impeksiyon, operasyon o procedure tulad ng prostate biopsy. Gayunman, posible itong mawala na lamang nang kusa.
Sa maraming kaso, ito ay sadyang nangyayari at hindi dapat ikabahala at saka puwede ka pa ring makabuntis kahit may dugo sa semilya. Kalimitan ay wala naman itong kaugnayan sa kakayahang makabuntis.
Subali’t, kung ikaw ay nahihirapang makabuntis o patuloy pa rin ang pagkakaroon ng dugo sa semilya, makabubuti kung magpatingin ka na sa urologist nang sa gayun ay masuri ang iyong semilya sa pamamagitan ng ‘semen analysis’. Ito ay laboratory test na ineeksamin ang iyong sperm cells.
Comentarios