Paglabas ng panganay, ipapakita sa It's Showtime… Anne, nanganak na ng baby girl!
- Julie Bonifacio
- Mar 3, 2020
- 1 min read

Photo: @annecurtissmith
Nanganak na ang aktres-TV host na si Anne Curtis sa first baby nila ng mister niyang si Erwan Heussaff sa Australia kahapon.
As expected, baby girl ang isinilang ni Anne at kasunod na mari-reveal ang name ng bata.
Past 5 PM na kahapon nang kumalat sa social media ang pagbati ng talent management na kinabibilangan ni Anne, ang Viva Entertainment. Pero sa It’s Showtime ay binanggit ni Vice Ganda na nagkausap sila ni Anne earlier that day.
Naglalakad-lakad daw si Anne para bumaba ‘yung baby, kasi nga, ang alam ng marami, ngayon ang kabuwanan ng magandang aktres-host.
Baka nagle-labor na si Anne habang kausap si Vice sa telepono nu’ng umaga ng Lunes.
Nagbiro pa si Anne na mas maigi na sa bibig niya lumabas ang bata para mas madali at ‘di siya masyadong mahirapan. Lagi kasing tinutukso ni Vice si Anne na malaki ang bibig.
Pramis daw ni Anne, ipapaalam at ipapakita niya sa It’s Showtime ang pagsilang ng first child nila ni Erwan. Kaya abangan natin kung kailan magpapakita si Anne sa It’s Showtime.
Samantala, umulan sa social media ng mga pagbati ng mga kaibigan from inside and outside of showbiz para sa mag-asawang Anne at Erwan. To Anne and Erwan, congrats!





Comments