top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Younger sis, palaban daw kay ate… Megan at Lauren, nagkaroon ng away dahil sa pera

  • Erlinda Rapadas
  • Mar 2, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas /Teka Nga

Magaling palang mag-budget at humawak ng pera ang Ms. World 2013 na si Megan Young.

Noong panahon na siya ang tumatayong nanay at tatay sa kanyang mga kapatid, natutunan ni Megan ang maghigpit sa paggastos. Talagang basic needs at necessities lang ang kanyang binibili at dito sila nagkaroon ng

“away” ng younger sister niyang si Lauren Young.

Si Lauren, super sensitive, hyper at palaban. Madali siyang mapikon at laging nakikipag-argue sa kanyang Ate Megan. Pero, dumating naman sa punto na na-realize ni Lauren na tama ang kanyang ate sa ginagawa nitong pagtitipid at pagba-budget ng pera.

Nang nanalo si Megan na Ms. World 2013 at nagkaroon na ng mga product endorsements, akala ng mga netizens ay sosyal na sosyal na siya at puro branded ang mga gamit. Pero, kahit na beauty queen na siya, nanatiling simple and humble si Megan.

Sa mga trips nila noon ng BF niyang si Mikael Daez (na ngayon ay mister na niya), hindi sila kumakain sa mga mamahaling restaurant. Nag-a-adventure sila at naghahanap ng mura at kakaibang kainan.

At ngayong husband and wife na sina Mikael at Megan, tiyak na maayos ang kanilang financial aspect dahil sanay na sanay na siyang mag-budget.

Parehong may show sina Mikael at Megan sa GMA-7.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page