This is it, Sharon… KC at Apl.de.Ap, huli sa akto
Beth Gelena / Bulgary Files

May netizen na nakakitang nagde-date diumano sina Apl.de.Ap at KC Concepcion. Balewala raw sa dalawang personalities kung may mga taong nakakita sa kanila.
Ayon sa mga saksi, mukhang mabuting tao naman si Apl.de.Ap. Gentleman daw ang Fil-Am rapper-singer at tahimik lang na nakatitig kay KC habang parang may tinitingnan sa cellphone ang aktres.
Sabi ng netizen, kung matutuloy sa pagmamahalan ang friendship ng dalawa, marami raw ang susuporta sa kanila kabilang na ang mga fans ni KC.
Anila, “Both of them are kind and good people naman, so keri. We will support.”
“Mabait si Apl.de.Ap at si KC, mabuting tao rin. Maging masaya na lang please.”





Comments