top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagtatayo sa Kaliwa Dam na sisira sa kalikasan, hindi solusyon sa krisis sa tubig

  • Imee R. Marcos
  • Mar 2, 2020
  • 2 min read

Tubiggg!!!

‘Yan ang sigaw natin noong nakaraang taon dahil sa kaliwa’t kanang water interruption bunsod na rin ng kapos na suplay nito mula sa Angat Dam.

Nitong nakalipas na taon, eksena sa kalsada ang pila-pilang balde sa rasyon ng tubig na kadalasan nga at nag-aaway-away sa kung sino sa kanila ang mauuna. At naku, talagang unahan dahil kapag hindi nakaipon, imbes na maligo ay hila-hilamos na lang, diyahe!

Kaya naman, planong itayo ng pamahalaan ang Kaliwa Dam sa Rizal sa paniwalang ito ang solusyon sa kakapusan sa tubig. Okay naman sana, pero pumalag ang mga katutubong Dumagat na nakatira sa palibot ng ipinatatayong Kaliwa Dam.

Eh, paanong hindi papalag, sinimulan na agad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksiyon ng access road na inayunan naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), pero bokelya, as in, buking sa

Senado dahil wala palang permiso, ayon na rin sa mga testimonya ng mga katutubo.

Sigaw ng mga katutubo, respeto naman, hinay-hinay lang kasi teritoryo nila ang tinatamaan. Wala pa palang maayos na konsultasyon at kasunduan, ang mga hitad na taga-DPWH, basta bumanat na. Ano ‘yan, railroading lang?

Bukod pa riyan, pati ang ekta-ektaryang kabundukan sa Sierra Madre, sapul din! Maraming puno ang mawawasak na source rin ng tubig.

Kapag nawasak ang mga puno at bundok sa Sierra Madre, mawawalan na rin ng pangharang sa bagyo at pagragasa ng tubig na siyang nagdudulot ng mga pagbaha sa mga siyudad.

Agree naman ako sa paghahanap ng bagong water source at knows kong merong water crisis tayong mga taga-Metro Manila. Pero juicecolored, ‘wag naman nating sirain ang ating kalikasan!

Bakit hindi i-try ang iba pang opsiyon, ‘wag namang arya nang arya, baka tayo rin ang makarma sa sisiraing kalikasan at sa bandang huli, tayo rin ang magdurusa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page