Ngayong mag-asawa na, Mommy Divine… Sarah, hatid-sundo ni Matteo
- Vinia Vivar
- Mar 2, 2020
- 1 min read

Madalas nang makitang magkasama ang bagong kasal na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa mga larawan.
Kung dati-rati ay bilang na bilang ang mga larawan nila together dahil marahil medyo nag-iingat pa, ngayon ay hindi na nila kailangang magtago pa dahil ganap na silang mag-asawa.
Pagkatapos mag-viral ang video at mga larawang kuha sa pagsa-shopping nila ng mga gamit sa bahay, the following day ay nakunan naman sila na magkasama sa kani-kanilang trabaho.
Sa mga larawang lumabas, inihatid at sinundo ni Matteo si Sarah sa taping nito at pagkatapos ay sumama rin ang Popstar sa photoshoot ng mister sa isang gym.
Ang mga netizens na nakakita’t kinunan sila ng piktyur ang nag-post sa kani-kanilang IG accounts.
Isang fan ni Sarah ang nagpa-picture pa sa dalawa sa elevator at ipinost ito sa IG. Caption niya, “Naiyak ako. Hatid-sundo na si misis ni mister. Surreal pa rin sa pakiramdam. Masasanay ka rin self.”
Nakakatuwa rin na sa tuwing may magpapa-picture sa kanila ay very willing sila at parang proud na proud talagang sinasabi sa mundo na mag-asawa na sila unlike noong hindi pa sila kasal na super careful silang makunang magkasama.
Kaya naman, pati ang mga fans nila ay naninibago at ang favorite line nga nila ay hindi pa raw sila sanay.





Comments