Mahirap maintindihan, pero amazing!.. Ang sikreto ng pagiging magulang

Buhay, Pag-ibig at Pamilya
Yes, mga amigo at amiga! Knows n’yo na ba na may secret ang bawat magulang natin na mula pa lang nang ipagbuntis tayo ay taglay na nila, pero hindi lang natin binibigyang-halagang
alamin o maaaring binabalewala lang natin? ‘Yan ay ang sik-retong ang ma-gulang ay hindi hu-mihinto sa pagma-mahal at hindi bu-mibitiw sa anumang suportang kailangan ng anak, anuman ang edad nito.
Sabi nga nila, “Para sa ikabubuti ng anak, lahat ay kakayaning isakripisyo,” kahit minsan ay kapalit nito ang sariling pangarap at kaligayahan.
Madalas ay hindi nabi-bigyan ng pagpapahalaga ang mga nagawa ng mga magulang hanggang sa dumating ang panahon na ang anak ay magiging ma-gulang na rin at nasa pare-hong sitwasyon.
Ngunit minsan, ang mas masakit, huli na para bu-mawi dahil wala na sila para pasalamatan. Kaya ngayon pa lamang, alamin na natin ang mga sikreto ng kanilang pagmamahal.
1. KULANG SA TULOG. Simpleng sakri-pisyo, ngunit hindi natata-pos sa paggising nang wala sa oras para magtimpla ng
gatas at magpalit ng lampin at minsan, magdamag pa si-lang gising kapag may ka-ramdaman ang mahal na anak. Hindi rin sila makatu-log o napupuyat sa pag-a-asikaso ng lahat ng kaila-ngan, maging sa simula ng pag-aaral at hanggang sa pagkakaroon ng trabaho ng anak.
2. KAPAYAPAAN NG ISIP. Palagi silang nag-a-alala kapag may karamda-man o hindi nakikita sa ba-hay sa oras ng uwian ang mga anak. Kasunod nito ay ang panalangin para sa mga anak na sana ay nasa mabuti silang kalagayan at sitwas-yon.
3. MAAASAHAN SA LAHAT NG ORAS. Ka-ramihan sa mga kumpanya ngayon ay mas tinatanggap ang single o kung tatanggap man ng may asawa, ito ay dapat lalaki dahil alam nila na mas prayoridad ng babae ang pamilya at kanyang mga anak. Gayundin, ang mga ina ay palaging nawawala sa schedule ng usapan o miting dahil sa biglaang panganga-ilangan ng pamilya.
4. KAWALAN NG PRIVACY. Ang importan-teng sangkap sa pagsasama ng mag-asawa na unti-un-ting nawawala ay ang “qua-lity time” na madalas apek-tado kapag kapakanan ng anak ang naisasaalang-alang. Maging sa paliligo, kadalasang kasama na rin ang mga bata at paraan na rin ito ng tinatawag nilang “bonding moment”, pero isa rin itong dahilan ng pagka-wala ng privacy ng mga magulang.
5. PAGKUKUSA. Ma-dalas, iniisip ng mga bata na lahat ng araw ay weekend dahil sa family day o outing, at akala nila ay wala nang ibang pupuntahan o aasika-suhin ang mga magulang. Kaya kapag nagyaya sila ay dapat matuloy agad. Dahil dito, palaging naisasakri-pisyo ang mga nauna nang plano.
6. ORAS. Naisip mo na ba kung gaano kahaba ang oras na kanilang naibigay?Buong panahon ang iginu-gugol nila para sa mga pi-nakamamahal na anak. Hin-di na pinag-uusapan kung gaano katagal o kahaba ang oras dahil habang buhay sila, kasama ang ma-gulang sa lahat ng tinatawid na landas ng mga anak.
7. PAKIKI-PAGKAIBIGAN. Mahirap maging close sa mga kaibi-gang walang anak dahil minsan ay ‘di ka nila maiintindi-han. Halimbawa, may lakad ang magkaka-barkada, hindi makakasama ang ina dahil prayoridad niya ang kanyang mga anak.
8. BAGAY NA GUS-TO. Kapag isa ka nang ma-gulang, ang mga gusto o nais na materyal na bagay ang palaging huli sa listahan mo dahil kailangang maging una sa lahat ng oras ang mga kailangan at nais ng iyong anak, lalo na kung kulang sa budget.
9. PLANONG KA-RERA. Lumilipas ang pa-nahon na mararamdamang kailangang magbago ng tra-baho para sa mga panga-ngailangan ng anak at pa-milya. Kadalasan, mapapa-isip ka kung alin ang dapat unahin — ang pagpapalago sa pangarap na karera o ma-natili muna sa kung anong meron ka?
10. COMFORT ZONE. Kapag may anak na, rito nabubuo ang tinatawag na imaginary boundaries kung saan naglilimita ng mga bagay na hindi maintindihan ng iba.May pagkakataon na ang ugali ng magulang ay hindi sanay makipag-usap, subalit kapag anak ang pag-uusapan, walang pagpipilian kundi ang tumayo para sa kanila.Alam n’yo bang ito ang pinakamahirap na sakri-pisyo sa lahat ng may na-raramdamang pagkaba-
lisa? Kaya mga amigo at amiga, palagi n’yong isipin na masuwerte kayo habang ang inyong mga magulang ay nasa inyong tabi para alagaan at suportahan kayo sa lahat ng plano at desisyon ninyo sa buhay.
Para sa anumang isyu, opinyon o problema na gus-tong i-share, mag-send sa e-mail na buhay.bulgar@ gmail.com o sumulat sa Buhay, Pag-ibig at Pamilya at ipadala sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City




