top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Aberya sa contest sa It's Showtime, buking… Hirit ni Mocha: Keri lang 'yan, may mga Senador

  • Ronalyn Seminiano
  • Mar 1, 2020
  • 1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Nagulantang ang lahat, hindi lang ang studio audience ng It’s Showtime, kundi maging ang mga netizens sa nangyaring aberya kamakailan sa segment nilang Piling Lucky kung saan ‘nawala’ ang jackpot prize na negosyo package.

Nu’ng araw ding ‘yun, Feb. 27 ay nag-tweet si Mocha Uson.

Aniya, “Ok lang ‘yan. Nand’yan naman ang mga senador natin, handa kayong ipagtanggol sa lahat ng bagay. Carry na ‘yan. ‘Yung mga ibang atraso n’yo sa taumbayan, napalusot nila, ‘yan pa kaya. Wala lang ‘yan. #ShowtimePowerKulitan.

“Carry lang ‘yan, may mga senador naman na magtatanggol lagi sa ABS-CBN.” Nang hindi pa maipaliwanag ng audit team ng It’s Showtime kung bakit sila pumalpak, nag-post muli si Mocha.

Aniya, “Antayin natin ang palusot na naman ng ABS-CBN. Magaling sila r’yan. (Three clapping hands emoji) #ShowtimePowerKulitan.”

Humingi naman ng paumanhin ang It’s Showtime production sa nangyari at ibinigay na lamang nila sa contestant ang negosyo package.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page