Pag-iwas sa sunog, sama-sama nating gawin
Taun-taon, halos kasabay na ng pagtaas ng temperatura dulot ng tag-init ang pagdami ng insidente ng sunog sa ating bansa.
Ito ay base na rin sa datos ng Bureau of Fire Prevention (BFP) na tuwing
Marso nagsisimula ang pagtaas ng bilang ng mga sunog.
Mula Enero hanggang Disyembre 11, 2019, ayon na rin sa BFP, mayroong humigit-kumulang 16,000 insidente ng sunog na tumaas ng tatlong porsiyento mula sa mahigit 15, 800 kaso ng sunog noong 2018.
Mahigit 320 tao na ang namatay noong 2019, samantalang, halos 1,000 katao at BFP personnel ang nasaktan.
Kaya naitalaga ang Marso bilang “Fire Prevention Month” upang ipaalaala at itaas ang ating kamalayan tungkol sa mga dahilan, ang mga panganib na dulot ng sunog at kung paano ito maiiwasan.
Ayon pa rin sa BFP, ang tatlong pangunahing sanhi ng sunog ay ang faulty electrical wiring, napabayaang sindi ng sigarilyo at open flames tulad ng sulo, kandila at iba pa.
Ngayong taon, “Matuto Ka, Sunog, Iwasan Na” ang tema ng selebrasyon. Ang pag-iwas sa sakuna at panganib na dulot ng mga sunog ay hindi lamang trabaho at responsibilidad ng BFP kundi nating lahat.
Tungkulin din nating panatilihing ligtas ang ating mga sarili at mahal sa
buhay laban sa sunog.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments