top of page

Magkakaroon ng ka-fling bago seryosohin ng BF

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 1, 2020
  • 2 min read

Katanungan 1. Paano malalaman sa pamamagitan ng guhit ng mga palad kung kailan magkakaroon ng boyfriend?

2. Sa edad kong 29, hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Hindi naman sa naiinip ako, iniisip ko lang na parang hindi yata ako normal dahil sa edad kong ito ay wala pa rin akong boyfriend, samantalang, ang ibang mga kasabayan ko ay may kani-kanyang boyfriend at ang iba ay may asawa na.

3. Maestro, sa palagay mo, kailan ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa? Kasagutan

1. Dalawang klase ng guhit ng palad ang tinitingnan kapag tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend at asawa. Una ay ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) kung saan sa kaso mo, may namataang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

2. Tanda na isang beses ka lang iibig nang tapat at totohanan na sa bandang huli, ang boyfriend mong ito ang siya mo na ring mapapangasawa at makatutuluyan.

3. Habang bukod sa Marriage Line (arrow a.), may isa pang tinitingnan at ito ay ang tinatawag na Guhit ng Fling na Relasyon (Drawing A. at B. f-f arrow b.) na matatagpuan sa ilalim ng daliring hinlalaki sa gilid ng palad.

4. Sa kaso mo, may isang Guhit ng Fling na Relasyon (arrow b.) na magaganap bago ka tuluyang makapag-asawa. Ibig sabihin, bago ka magka-boyfriend nang totohanan at seryoso, magkakaroon ka muna ng karelasyon na tinatawag ding boyfriend, pero sa totoo lang ay hindi naman seryosong relasyon at hindi gaanong magtatagal. Pagkatapos ng nasabing relasyon na hindi gaanong magtatagal, sa ikalawang pakikipagrelasyon, ito na ang kaisa-isang iginuhit sa Marriage Line (Drawing A. at B. 1- M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na sa bandang huli ay mauuwi rin sa maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa. Dapat Gawin Ayon sa iyong mga datos, Eva, partikular sa umusbong at kusang tumubo na Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad (1-M arrow a.), humigit-kumulang sa edad mong 30 hanggang 32 pataas ka pa magkakaroon ng seryoso at pangmatagalang relasyon na siya na ring magiging asawa mo, pero bago dumating ang lalaking nabanggit, tulad ng naipaliwanag na, magkakaroon ka muna ng fling na relasyon (arrow b.) at ang lalaking ito ay darating din ngayong 2020, ngunit, makalipas ang ilang buwan lang na ugnayan ninyo ng nasabing lalaki ay tuluyan ding maglalaho at mapaparam. At pagsapit ng 2021, sa edad mong 30 pataas, mami-meet mo na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran na nagtataglay ng zodiac sign na Gemini na siya na ring makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page