Nalagas na buhok, sign na mahina ang katawan
- Socrates Magnus
- Feb 29, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Jing na ipinadala sa Facebook Messenger. Dear Professor, Hinawakan ko ‘yung maliit na kumpol ng buhok ko, tapos nalagas. Ano ang ibig sabihin nito? Maraming salamat!
Naghihintay, Jing
Sa iyo Jing, Sa katawan ng tao, may mga parte kung saan ay naka-concentrate ang lakas ng tao at ang isa sa mga ito ay sa buhok. Ibig sabihin, ang buhok ng tao ay sumisimbolo sa kalakasan o lakas.
Kapag makapal ang buhok, ang tao ay malakas at kapag manipis ang buhok, manipis din ang kanyang lakas, as in, very thin ang kanyang strength.
Ito rin ay nagsasabing matitibay ang katawan ng taong makapal ang buhok at ang manipis ang buhok ay may mahinang katawan.
Malakas din ang immune system ng taong makapal ang buhok at mahina ang immune system ng mga may manipis na buhok.
Kapag makapal ang buhok, wala kang masasabunot dahil kahit mahawakan mo ang mga buhok ay hindi ito mabubunot, pero kapag maninipis ang buhok at hinaltak ay maaari itong maubos.
Sa ganitong katotohanan, ang iyong panaginip ay nagbababala na ikaw ay humihina kaya ang payo, sundin mo ang sinasabing kumain ng masusustansiyang pagkain nang lumakas ang iyong natural na depensa.
May dahilan kung bakit napananaginipan ang mga bagay na ito. Ito ay dahil sa panahon ngayon na naglalaban ang taglamig at tag-init, napakaraming sakit na puwedeng dumapo sa tao.
Muli, palakasin mo ang iyong natural na depensa at bilang dagdag na kaalaman, ang natural na depensa ng tao ay ang immune system.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments