After ng Sarah-Matteo... Arjo-Maine wedding, next na?

Kung nagagalak ang mga faney sa kasalang Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli ay nalulungkot naman ang mga JaDine fanatics sa hiwalayan blues nina James Reid at Nadine Lustre.
Malabo na ang pangarap ng mga JaDine fans na ang dalawang itey naman ang magpakasal after Sarah and Matteo. Kaya ang tanong, sino ang susunod na ikakasal after AshMatt?
Ang sagot ng madlang pipol, marahil daw ay sina Maine Mendoza at Arjo Atayde lalo na’t naka-one year na last December ang dalawa as magsyota. Both din sa pamilya nila ay wala namang kontrabida, as in kontra sa relasyong Maine-Arjo, in pernes.
Ilang beses na ring naispatan itong si Maine na kasama ang Atayde family, ganu’n din naman si Arjo na tipong very much welcome sa Mendoza family.
“Sobrang mabait din po ang family niya. Very welcoming din po and very protective din po as well. I love them. Very mabait po sila, wala po akong masabi. Gayundin po ang mga kapatid niya, they’re very kind to me. Very, very kind,” sabi ni Arjo sa isang interview.
Well and good, so keep it up, Mendoza and Atayde family!





Comments