top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gustong sumikat abroad, P85-M mansiyon kaya ibinebenta… James, babu sa 'Pinas after hiwalayan si

Melba Llanera
Feb 28, 2020
2 min read

Gayong ibinebenta na ang love nest nina James Reid at Nadine Lustre sa Quezon City sa halagang P82-P85 milyon, lalong nawasak ang hiling ng mga JaDine fans na magkabalikan pa ang dalawa. Sa kabila ng patuloy na nakikitang magkasama sina James at Nadine kasama ang ilan nilang malalapit na kaibigan, hudyat nga raw ito na mukhang malabo ang second chance sa dalawa.

Isang reliable source ang nakausap namin na isiniwalat ang tunay na rason ng paghihiwalay ng JaDine. ‘Di raw ito dahil sa third party sa panig ni Nadine kundi dahil sa career move na balak gawin ng singer/actor.

Samantala, gumagawa ng sariling pangalan ngayon si Kiana Valenciano sa Los Angeles at patok du’n ang musika niya. Kaya, balak din diumano ni James na subukan ang musika at ang label nito na Careless sa L.A. lalo’t gusto talagang ma-penetrate ng aktor ang international scene.

Kung papalarin ay tiyak na kailangang mamalagi nang matagal ni James sa Amerika na magiging mahirap dahil wala nga namang kasiguraduhan ang isang long-distance relationship.

Sa ibinigay na rason na ito sa amin ng aming reliable source, mas naintindihan namin ang rason ni James sa breakup nila ni Nadine na gusto niyang subukan ang buhay na ‘di lang nakadepende sa tambalan nila ng ex-girlfriend lalo’t sa loob ng matagal na panahon ay laging sila na ang magkasama ng magandang aktres sa lahat ng proyektong ginawa.

Ang pagbebenta ng kanyang bahay ay maaaring para mai-dispose na ang ilang ari-arian at makapanatili muna si James sa America para sa sinusubukang suwerte roon sa musika. Maaaring pagkatapos ng ilang showbiz commitments at projects ay pansamantala muna nating ‘di makita ang singer/actor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page