'Di na nakakagulat 'pag biglang hinuli sa serye… Comebacking actress, wanted dahil sa pangga
- Erlinda Rapadas T.
- Feb 28, 2020
- 1 min read

BLIND ITEM: Dakilang scammer ang bansag ngayon sa isang comebacking actress dahil marami na itong naloko sa mga kasamahan niya sa showbiz, maging ang ilang non-showbiz friends.
Iba-iba ang style niya sa panloloko. Dahil mukhang disente at mabait, hindi mo talaga pag-iisipang hustler siya sa panloloko.
May mga alaherang nangha-hunting sa kanya dahil sa mga alahas na kinuha niya at hindi nabayaran. Meron naman siyang na-scam dahil pinaniwala na may malakas siyang connection sa gobyerno at malalakad ang mga papeles na kailangan ng mga nagpapatulong sa kanya.
May ilang artista rin siyang nautangan dahil magaling siyang mag-emote at mag-drama at hindi na niya binabayaran ang mga ito.
Akala ng marami, mas matinong kausap ang comebacking actress kesa sa kapatid nitong artista rin na marami ring nagawang atraso at milagro sa mga kaibigan sa showbiz. Mas matindi pa pala ang panloloko ng comebacking actress.
Araw-araw siyang napapanood ngayon sa isang serye kaya tiyak, matutunton na si comebacking actress ng mga taong kanyang niloko at inutangan. Baka ikagulat na lang niya kapag biglang may dumating na mga pulis sa teyping ng kanyang serye.
Matagal-tagal ding nanahimik at nawala sa sirkulasyon ang comebacking actress. Akala ng iba, nagtago na siya abroad. Hiwalay na siya sa asawa at may mga anak na.





Comments