top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ang mga bula na minsan ay ‘di kayang mawala ni: C.L Balagoza

  • Feb 28, 2020
  • 2 min read

Ni: C.L Balagoza Nu’ng bata ako, habang hawak mo ang palobo na tila pinagmumulan ng maliliit na planetang umiinog sa paligid nang pakawalan.

Tuwing lumalabas sa iyong bibig ang hangin na nagbigay-buhay sa kanila, ang mga bula na ‘to, natatandaan ko ang siyang dahilan.

At doon ko napagtanto ang kasiyahan na kaya mong idulot sa musmos nating alaala, na darating ang panahon na magiging pundasyon din sa mga dumating at darating pang mga tagpo.

Simula nu’n, ikaw na ang bumuo ng uniberso— kung saan pinili ng aking mapangahas na desisyon na manirahan.

Hindi tulad nila ay hindi ko sinilip kung may tubig ba na maaaring sa atin ay dumaloy, lumagaslas para patirin ang nagbabadyang tagtuyot at uhaw na mabuhay sa kasinglawak ng disyerto ng mga posibilidad kasama ka.

Katwiran na ang mga dulot mong pagbuo ng mga bula sa hangin ay sasapat na sa pagbatid nitong puso na iyong unti-unting natuto para suklian.

Ngayon, kung susumahin lahat ng nabuo at naipon na nawala’t naglahong mga bula, paano ko wawakasan ‘to na maging konkreto para daanan at bigyang-pansin ang hinahabi, ginugunitang inilihim na kuwento.

Ang pagmamasid sa kanyang pagbuo at pagwasak nitong uniberso nang papasukin ako para tumulong. Saksi ako sa kanyang mga mata na kakaiba ang kinang, lalo na kung tatanungin sa nais kong makita sa mundo namin. Ngunit namatay kasama nitong puso na umiindayog ang kanyang paglikha.

Umaasa na muling maibalik ang mga nawala.

Umaasa na muling maibalik ang saya na ninakaw nila sa pamamagitan ng mga sabi-sabi: “Ang lalaki ay para lamang sa babae” Dito natapos ang lahat.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page