Isinilang sa Year of The Ox, praktikal, responsable at tumutupad sa pangako kaya yumaman
- Maestro Honorio Ong
- Feb 27, 2020
- 2 min read

Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing katangian at magiging kapalaran ng mga isinilang sa animal sign na Ox o Baka ngayong 2020.
Kung ikaw ay isinilang noong 1925 at 1985, ikaw ay Wood Ox; kung 1937 at 1997, ikaw naman ay Fire Ox; kung 1949 at 2009, ikaw ay Earth Ox; kapag 1961 naman, ikaw ay Metal Ox at kapag 1973, ikaw ay Water Ox.
Ang lahat ng binanggit na taon ay nasa ilalim ng kapangyarihan at impluwensiya ng animal sign na Baka o Ox kung saan tinatayang ganito ang inyong pangunahing katangian at kapalaran ngayong 2020.
Sinasabing ang Ox ay isa sa pinakapraktikal sa 12 animal signs na humarap at nagbigay-pugay sa palasyo ni Lord Buddha at dahil sa pagiging praktikal ng mga Baka at may pagka-materialistic din sila, karamihan sa kanila ay yumayaman, hindi lang sa pagtatrabaho kundi pati sa pagnenegosyo at pag-a-abroad.
Bukod sa responsable sa buhay at may matatag na pagkatao, ang mga Ox ay nananalig din sa prinsipyo at pangako, kaya kapag binitiwan nila ang isang pangako, ito ay kanilang gagawin at gagampanan nang husto.
Ang mga Baka ay madaling ma-frustrate o mawalan ng tiwala sa mga taong hindi nagpapahalaga sa pangako at walang disposisyon sa buhay dahil para sa mga Ox, mahalaga sa kanila ang “word of honor” at sa puntong ‘yun, lalong lumulutang ang pagiging magaling nila kaysa sa ibang mga animal sign.
Hangga’t maaari, pinahahalagahan din ng Ox ang mataas na moralidad at hangga’t kaya nilang pigilin o iwasan, hindi talaga sila gagawa ng kalokohan tulad ng mga immoral at illegal na gawain. Ang problema lang, dahil minsan ay may humbak o void sa kaibuturan ng puso ang mga Ox, hindi sinasadyang sa panahon ng kalungkutan at pag-iisa, nahuhulog din sila sa kaimoralan. At dahil hindi nila ito ginusto kung sakali mang malulong sila sa hindi mabuting gawain, mabilis at agad naman silang nakababalik sa paggawa ng mabuti at katinuan.
Dahil sa magandang disposisyong ito sa buhay ng mga Ox, kadalasan ay sila rin ang nakabubuo ng matatag at maligayang pamilya at ang buo o masayang pamilyang ito ay ipinepreserba nila hanggang sa wakas.
Sinasabing madali namang nagtatagumpay ang Ox sa mga gawaing may kaugnayan sa pagdidisiplina sa sarili tulad ng sundalo. Dagdag pa rito, kadalasan ding nagtatagumpay ang mga Ox sa gawaing may kaugnayan sa trading, banking, financing, insurance, stock market, agriculture, mining at iba pang mga kauring negosyo o kalakal na may kinalaman sa lupa, paghahayupan, pagtatanim at pagpaparami ng investments at iba pang negosyong direktang humahawak o nagbibilang ng makapal at maraming salapi.
(Itutuloy)





Comments