top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Horoscope | Pebrero 27, 2020 (Huwebes)

Maestro Honorio Ong
Feb 27, 2020
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngaong Pebrero 27, 2020 (Huwebes): Kapag ginusto mo, walang makaaawat sa iyo. Kaya ang payo ay gustuhin mo na ikaw ay yumaman. Tiyak na tiyak na ikaw ay yayaman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Titigas ang ulo mo, ngunit, bago ito mangyari, itutok mo muna ang iyong sarili sa pagpapaganda ng iyong kabuhayan at dito mo gamitin ang katigasan ng ulo mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-20-23-39-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilalapit sa iyo ng langit ang taong makatutulong sa iyo. Iwasan mong mahulog ang loob mo dahil pansamantala lang ang misyon niya sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-15-29-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Ipakita mo ang tibay ng loob mo at ipakikita sa iyo ng langit kung paano binigyan ng premyo ang may tibay ng kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-22-26-34-37.

CANCER (June 21-July 22) - Habang sumasama ang loob smo, lalo kang maninindigan. Sa biglang tingin, hindi ito maganda, sa totoo lang, sa ganitong bagay ka susuwertehin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-16-18-20-25.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pakinggan ang mga suhestiyon na kontra sa kasalukuyang layunin mo sa buhay. Hindi ka nila nauunawaan, kaya huwag kang magalit. Ituloy mo lang ang gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-14-19-21-28-30.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito, kaya gawin mo ang anumang gusto mong gawin. Tinitiyak ng iyong kapalaran na mapasasakamay mo ang mga pinapangarap mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-3-35-39-43-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ikaw ang nakaaalam kung ano ang maganda at mabuti para sa iyo. Hindi ka dapat panghimasukan ninuman dahil muli, ikaw ang nakaaalam ng tungkol sa sarili mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-15-22-29-31-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung gaano kalaki ang mga pagsubok sa iyong harapan, ganundin kalaki ang magagandang bagay na nakalaan sa iyo kaya huwag mong katakutan ang mga pagsubok mo sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-20-29-30-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipakita mo ang tunay na katangian ng magaling at mabuting mamumuno. Sa ganitong paraan, magiging huwaran ka ng mga taong may pangarap din sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-27-28-30-31-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumikilos ang kapalaran mo para sa lalong ikagaganda ng buhay mo. Ang payo ay tanggapin mo ang mga pangyayari nang mabigyang-daan ang pagdating ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-23-29-30-33-37-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong akalain na hindi umaayon sa iyo ang mga kaganapan. Magtiwala ka sa sarili mo dahil ang magagandang kapalaran mo ay kumukuha lang ng malalakas na buwelo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-20-27-41-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipakita mo na ikaw ay seryoso. Ang malalaking suwerte ay darapo sa iyo kapag ikaw ay natagpuang desidido sa mga gusto mong mangyari sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-17-26-27-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page