Steps na dapat gawin, basahin… Single na gustung-gusto nang magka-bf at mag-asawa, mag-wish ngayong
- Sr. Socrates Magnus II
- Feb 26, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang napakagandang astrological event na magaganap bukas, February 27 hanggang 28, 2020 na tinawag na “Paghamon ng New Moon sa Venus”.
Sa nasabing mga petsa sa Bagong Buwan o New Moon, makikita na parang isang suklay ang crescent moon kung saan sa hindi kalayuan o malapit lang sa kanya ay makikita naman si Venus na nagliliwanag sa kagandahan. Ito ay magaganap sa alas-6:30 ng gabi. Noong mga sinaunang panahon, ang kaganapang ito ay inaabangan ng mga tao, lalo na ang mga binata o dalaga na gusto nang magkaroon ng love life. Hihilingin nila sa buwan at kay Venus na sana ay makilala na nila ang kanilang mapapangasawa. Tulad ng nasabi na, ito ay sinaunang tradisyon ng mga tao kung saan kaya naging tradisyon ay dahil maraming natupad na mga hiling ng mga dalaga at binata.
Para makatiyak na magiging epektibo ang gagawing paghiling, narito ang ilang paraan na kailangang sundin:
1. Maligo bago sumapit ang alas-6:30 ng gabi.
2. Uminom ng tatlong baso ng tubig.
3. Isuot ang paboritong damit kung saan alam niya na siya ay lalong gumaganda o gumuguwapo kapag suot ang nasabing damit.
4. Ayusin ang buhok at gumamit ng suklay. Ito ay obligadong gawin.
5. Maglagay ng pabango at huwag kalimutang lagyan ang noo, dibdib at leeg.
Kapag hihiling, dapat munang mag-inhale nang malalim at mag-exhale nang dahan-dahan. Tapos, sabihin ang hiling sa mahiwagang buwan at magandang Venus.
May boyfriend ka na ba? Kung wala pa, humiling ka na bukas, February 27 hanggang 28.
May boyfriend ka na ba, pero alam mong ang boyfriend mo ay hindi naman para maging iyong tunay na asawa? Humiling ka rin sa buwan at kay Venus para mapasaiyo na ang tunay mong mapapangasawa. Kung ikaw naman ay binata, ganundin ang gawin mo.
Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito na tadhana mismo ang nagbibigay ng pagkakataon na ang mga single ay makapag-asawa kung saan ang kanilang marriage ay mabibilang sa “marriage made in heaven.”
Good luck!




Comments