top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kahit 1 yr. pa lang, wala raw sa haba 'yan, Angelica… Carlo, sure nang ang GF na si Trina ang gu

Vinia Vivar
Feb 26, 2020
2 min read

Sagot ni Rhea Anicoche-Tan, president and CEO ng Beautederm, ang kasal ng endorser ni­yang si Carlo Aquino.

Sa launching kahapon ni Carlo as Beautederm Spruce and Dash endorser, sabi ni Rhea ay mahal na mahal niya ang aktor at parang pamilya na ang turing niya rito since isa ito sa pinakauna niyang celebrity endorsers.

“Whatever makes you happy, nandito lang sina ate and kuya (her husband) mo for you,” mensahe ni Rhea kay Carlo kahapon sa launching.

First solo presscon ito ni Carlo for Beautederm since mahiyain ito.

“Thank you, kasi nag-appear siya. Minsan, hindi ‘yan nag-a-appear sa presscon,” natatawa pang sey ng president and CEO ng Beautederm.

Kaya naman after the Q&A ay natanong si Carlo ng press kung naiisip na ba niyang mag­pakasal.

“Siyempre, oo,” pag-amin ni Carlo.

“Siyempre, nasa tamang edad na rin ako, 34 na ako. Ti­tingnan natin sa mga susunod na ano, na buwan, taon?”

Kung sakali ba ay isi-secret din niya ito?

“Hindi naman isinikret, hindi lang na-inform ang mga tao,” natatawang sabi ni Carlo.

Pero sa tingin ba niya ay na­tagpuan na niya ang babaeng pakakasalan sa katauhan ni Trina Candaza?

“Oo. Final answer,” he said.

Paano niya nasabi?

“Nag-iba ‘yung outlook ko siguro sa buhay, mas ma­gaan, happy,” sey niya.

Mahigit isang taon pa lang ang relasyon nila ni Trina pero sey niya ay wala naman sa tagal or ikli ‘yun.

When asked kung engaged na sila, aniya ay hindi pa.

Naitanong din kung may balak na siyang mag-propose at sagot niya, hindi pa raw niya alam. Basta sa ngayon ay okay na okay naman daw ang relasyon nila at siyempre, hoping siya na sa kasalan na nga ito matuloy.

Samantala, ang Spruce & Dash ng Beautederm ay isang patented line of amazing products na idinebelop at nilikha para sa mga kalalakihan.

Lahat ng mga produkto sa ilalim ng Spruce & Dash men’s line ay FDA notified at kinabibilangan ito ng limang essential products na kailangan ng mga kalalakihan para sa kanilang pang-araw-araw na grooming.

Nilikha ni Rhea Tan ang pangalan ng koleksiyon base sa basic na kahulugan ng spruce na “neat in dress or ap­pearance” at dash na “impetuous with flamboyant vigor and con­fidence.”

Ang mga produkto ng Spruce & Dash ay kinabibi­langan ng Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-Perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; at Lad Hair Pomade.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page