top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Pebrero 26, 2020 (Miyerkules)

Maestro Honorio Ong
Feb 26, 2020
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 26, 2020 (Miyerkules): Malayo ang iyong marara­ting sa buhay. Ibig sabihin, ikaw ay magtatagumpay at ang tagumpay mo ay mangyayari sa iba’t ibang larangan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maglalaro sa isipan mo ang maraming ideya na kapag pumili ka ng kahit isa lang ay sapat na para lalo kang suwertehin sa negosyong pinagkakaabalahan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-17-20-24-29-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malaki ang matututu­nan mo sa pakikinig sa mas maalam kaysa sa iyo. Huwag mong kalimutan na ang buhay sa mundo ay walang katapusang pag-aaral. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-29-30-36-46.

GEMINI (May 21-June 20) - Kulang na kulang ka sa pag-iipon. Kahit alam mo ang kahalagahan ng may ipon, wala kang lakas na gawin ito. Ang kaila­ngan mo ngayon bilang panimula ay disiplina sa sarili. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-22-25-26-31.

CANCER (June 21-July 22) - Palayo ang nakikita mong solusyon sa mga personal mong suliranin. Magawa mo kaya ito? Ayon sa kapalaran, hindi pa sa ngayon, kaya mag­hintay ka muna ng tamang panahon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-21-28-30.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ku­mukupas ang lahat ng bagay sa mundo kaya ang sina­sabing ang pagmamahal ay walang hanggan sa pa­ngarap lang ng mga taong umibig at ikaw ay kabilang sa kanila ngayon. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-26-29-34-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Timbangin mo ang kakayahan na nagsasabing gusto ka niyang maging bahagi ng kanyang buhay. Ang gu­ma­gamit ng timbangan ng buhay ay hindi nagsisisi. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-18-22-27-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang sumugod. Isang hakbang, isang tigil at mag-isip. Hakbang ulit, tigil at mag-isip muli. Ito ang sik­reto ng mga nagta­gumpay sa buhay, lalo ng mga yu­ma­man sa komer­siyo. Ma­su­werteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-20-25-29-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka ayon sa plano mo. Kahit sa biglang tingin ay maganda ang naririnig mong mungkahi, huwag kang magkaka­maling baguhin ang pasya mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-17-25-27-35-39.

SAGITTA­RIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na su­suwertehin ka sa pa­ma­masyal sa malalayong lugar. Ihanda mo ang iyong sarili sa mala­yuang paglalakbay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-20-24-26-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pumili ka ng isa sa maraming por­mu­la ng tagumpay na nai­isip mo ngayon. Muli, isa lang dahil kapag dinakot ng kamay mo ang bigas, walang matitira sa palad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-29-30-33-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Naghihilom ang sugat, kahit ang sugat sa damdamin. Hindi magkakatotoo ang sinasabi mong kahit kailan ay hindi mo patatawarin ang nag­kamali sa iyo na mahal mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-25-27-35-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbalik ang mga araw na ikaw ay buwenas. Sino naman ang malas? Sino pa nga ba ang mga hindi naniniwala sa iyo kundi ang mga kon­trabida sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-22-27-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page