Ex-champ Banario, babalik sa ONE Featherweight fight

Nang magsimula si Team Lakay Honorio “The Rock” Banario sa kanyang career sa ONE Championship, isa siya sa top featherweight talents ng organisasyon. Kung matatandaan, ang 30-anyos ang siyang unang naitala sa kasaysayan bilang ONE Featherweight Champion.
Ngayon, ang Baguio City native ay magbabalik sa kanyang dibisyon upang muling patunayan ang kanyang tikas para ipaglaban ang world title.
Sa Biyernes, Peb. 28, makasasagupa ni Banario si Shannon “OneShine” Wiratchai ng Thailand sa ONE: King of the Jungle sa Singapore. Ang pagbabalik ng beterano sa kanyang orihinal na weight class ang pinakamalakas niyang kalamangan at muling maibalik ang ningning ng kanyang bahagyang lumanlam na career sa mundo ng mixed martial arts. “This is my first match going back down to the featherweight division,” saad ni Banario. “Here, I am faster, more explosive, and the fans will surely enjoy an exciting match between two hungry veterans looking to make a statement to start the year.”
Unang sumampa sa lightweight si Banario kasunod ng napakasakit na limang magkakasunod na pagkatalo. Babaligtarin niya ulit ang mundo, upang muling mapagwagian ang unang limang laban sa lightweight tampok ang pagbabalik lakas niya. Muli rin siyang nagpakondisyon ng kanyang isipan at katawan upang patunayan na kaya pa rin niyang dominahin ang lightweight bout. “When I first competed at lightweight, I felt good because I was able to bring my power and speed up there and still felt light,” saad ni Banario.
“However, after two years I dealt with injuries and I felt heavier even if I was in peak condition, so I decided to move back down to a more natural weight. Even before my last bout, I wanted to move to featherweight. However, I couldn’t pass on the chance to compete against a legend like Shinya (Aoki).” Noong unang nakipagsapalaran siya sa lightweight hindi siya siyento porsiyento na kondisyon, kaya naman ang pagbabalik niya pababa ng featherweight ang sa tingin niyang mas mainam at sakto sa kanyang mental strength.





Comments