Sa sobrang galit ng netizens sa madir ng Pop Princess, ikinalat… Mommy divine, 'di ma-take na ik
- Mercy Lejarde
- Feb 25, 2020
- 2 min read

In pernes kay Sarah Geronimo, bago pala siya nagpunta sa secret civil wedding nila ni Matteo Guidicelli sa Shangri-La The Fort ay inuna muna niya ang kanyang trabaho or commitment bilang isa sa mga coaches ng ABS-CBN talent reality show na The Voice Teens 2, ha!
Kumbaga, for Sarah, trabaho muna bago kasal. Wow, can you beat that, Mommy Divine? With matching background music na may lyrics that goes… “Secret… I know a secret… a story, I’ll never tell…” boom, zzziiibooomm!
Eto na ang nakakalokah, sa galit yata ng ilang netizens sa pagiging kontrabida ng Mommy Divine ni Sarah sa kanilang relationship ni Matteo, akalain mong may nagpakalat ng fake news kahapon na ‘di raw matanggap ni Mommy Divine ang lihim na pagpapakasal ni Sarah kaya may-I-suicide raw ito!
Uulitin namin, fake news po ‘yun kaya ‘wag na po nating patulan at sana, let’s give both parties peace and time to heal para matanggap din ng bawat isa ang pagkukulang ng isa’t isa.
Samantala, last Sunday night (February 23) sa The Voice Teens 2 ay dalawang baguhang singing artists ang nadagdag to Bamboo’s Kamp Kawayan — si The Voice Kids alumnus Rock Opong na bumirit ng kantang Sa Ngalan ng Pag-ibig (na tugmang-tugma kay Sarah, devah naman?) at ang 15-year-old na si Aly Fabellar na kumanta ng Diamonds ni Rihanna.
“Gusto ko na ‘yung tone ng voice mo, may pagka-emo, angsty feel sa akin, eh... I liked it,” Bamboo told Fabellar.
Pero ang tanong, sa mga next episodes ba ng TVT 2 ay mapapanood pa rin si Sarah Geronimo now Mrs. Matteo Guidicelli?
Yes po ang answer! Ayon nga sa report sa ABS-CBNnews.com, “Sarah Geronimo has returned to work just days after tying the knot with her longtime boyfriend Matteo Guidicelli.
“A glowing Geronimo (na puwedeng lagyan ng background music that goes… ‘He makes me smile, he makes me smile, yes, sir!’ sa tono ni Catriona Gray) showed up at the ABS-CBN compound Monday morning for the taping of the Battle Rounds of The Voice Teens Philippines, where she is one of the coaches.
“The singer-actress was notably wearing her wedding ring on the same finger where she has her sparkling engagement ring.” Oh, ‘yun na, ha!





Comments