top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pilipinas, hindi pa rin malaya sa kaliwa’t kanang krimen

  • Editoryal
  • Feb 25, 2020
  • 1 min read

Gayong araw ginugunita ang ika-34 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Kaugnay nito, tiniyak ng mga awtoridad na walang namo-monitor na destabilisasyon laban sa gobyerno o anumang banta sa seguridad ng lahat.

Gayunman, sa panahon ngayon, ano ba ang maituturing na pinakamatinding banta sa kaligtasan ng bawat mamamayan? Hindi ba, itong talamak na ilegal na droga?

Kapag laganap ito, tiyak na kasunod ay iba’t ibang krimen — pagpatay, pagnanakaw, pagdukot at panggagahasa. At hangga’t hindi sila lumalaya sa masamang gawain o nahuhuli para pagbayarin at baguhin, mismong taumbayan ang mawawalan ng kalayaan.

Sa takot na mabiktima nitong mga lulong sa ilegal na droga, halos wala nang tiwalang lumabas ng bahay. Ang masaklap, minsan, itong inaasahan nating pinakaligtas na lugar ay hindi rin pala — nandiyan ang… anak, sex slave ni tatay, ibinubugaw ni nanay,

kamag-anak minasaker dahil sabog sa shabu. Tsk-tsk-tsk!

Gayundin, sa labas ng bahay, ‘yung mga batang tumatawid lang, inararo ng dyip at nang imbestigahan, positibo pala sa shabu ang drayber.

‘Yung vendor na naghahanapbuhay nang marangal, hinoldap at binaril ng adik din.

Napakarami pang insidente na ang puno’t dulo ay ilegal na droga.

Bakit ba hindi maubus-ubos ang supply ng illegal drugs? Matindi ang demand hindi lang sa kalsada kundi maging sa social media. Kumusta na ba ang war on drugs? Ang masaklap, mismong mga pulis, buking na adik. Paano na?

Kung patuloy na mamamayagpag ang mga drug supplier at pusher, higit pa sa kalayaan ang ‘ika nga, eh, nasisikil kundi ang mismong pagkakataong mabuhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page