top of page
Pokwang.jpg

Kung sa parents, 'di pa rin nakikipagkita… Bagong kasal na sina Matteo at Sarah, nakipag-dinner

Nitz Miralles
Feb 25, 2020
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Nag-post ang entertainment writer at talent manager na si Noel Ferrer sa socmed ng piktyur nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kasama sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Parang ipinaghanda nina Ryan at Judy Ann ng dinner sa kanilang bahay ang newlyweds. Kasama rin sa photo ang mga anak nina Ryan at Juday pati ang mga friends nilang sina Ranvel Rufino at misis yata nitong si Bianca.

Ang caption ni Noel sa photo ay… “AT NAGKITA RIN ANG MAGKAKAIBIGAN, MAGKAKAPATID, MAGKAKAPAMILYA! #FamilyLove.”

Sa nasabing piktyur, magkatabing nakaupo sina Matteo at Sarah habang magka-holding hands at nakangiti. May nag-comment lang na kulang ang ngiti ng dalawa dahil siguro sa nangyari sa civil wedding nila. Pero, karamihan sa mga comments ay masaya para sa kanila at patuloy silang kino-congratulate ng mga taga-showbiz.

May nagtanong lang kung kailan haharap sa parents ni Sarah ang dalawa?

May mga gusto ring malaman kung kailan magsasalita sina Delfin at Divine Geronimo, lalo na ang ina ni Sarah na sobrang bashing ang natatanggap online from their fans.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page