Crawford, kursunadang makabangasan si Pacman

Kung si World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terrence “Bud” Crawford ang papipiliin ay gusto nitong makatapat si Eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao sakaling mabigyan ng pagkakataong magharap sa susunod na laban.
Kasunod ito ng salpukang naganap sa pagitan nina heavyweight fighters Deontay Wilder at Tyson Fury sa kanilang championship rematch na mula sa magkaibang promotional company at network, ngunit walang nakapigil dahil sa kagustuhan ng dalawang magbakbakan.
“Manny, for sure,” sambit ni Crawford sa panayam sa kanya ni Michelle Joy Phelps ng Behind the Gloves ng matanong kung sino ang nais nitong makalabang sunod. “It would be like the passing of the torch. He’s the last great fighter in this era left. Floyd [Mayweather] retired, [Miguel] Cotto retired, Erik Morales, [Marco Antonio] Barrera, whoever you name, they all retired. He [Pacquiao] is the last man standing right now,” dagdag nito.
Mula sa promotional outfit na Top Rank promotions ni Bob Arum ang bagong kampeon ng World Boxing Council (WBC) heavyweight class si Fury, habang nasa panig naman ng Premier Boxing Champions (PBC) ni Al Haymon si Wilder – na pinag-adyang tulad rin nina Crawford (Top Rank) at World Boxing Association (WBA) 147-pounds king at IBF/WBC champion Errol Spence Jr. ng PBC.
Tulad rin ng battle of networks kung saan hawak ng ESPN si Fury at si Wilder ng Showtime at Fox, ay nagkasundo ang dalawang mandirigma para sa super-fight na walang kahit anong dahilan.
Malaki ang respeto umano ni Crawford sa kakayanan ng Fighting Senator dahil sa edad nitong 41-anyos ay nagawa nitong makipagsabayan sa mas mga batang boksingero nang talunin nito ang 30-anyos na si Keith Thurman sa isang split decision para sa WBA title.





Comments