Daliii, gora na!.. 5 lugar na perfect puntahan ng mga single na gustong mag-soul searching
- Lolet Abania
- Feb 25, 2020
- 2 min read

Mula nang pumasok ang 2020, marami sa atin ang nangakong hahanapin ang sarili. Agree? Well, kung hanggang ngayon ay hindi mo pa nasisimulang hanapin ang iyong sarili o ‘ika nga, eh, mag-soul searching, para sa inyo ‘to!
Kaya sa mga beshies nating single, narito ang 5 destinations na single-friendly at perfect puntahan para mag-soul searching:
1. BALER, AURORA. Hindi tulad ng surfing spots sa La Union at Siargao, hindi gaanong crowded dito, kaya mas magandang magmuni-muni rito. Perfect ito sa mga solo traveler na naghahanap ng katahimikan. ‘Ika nga, parte ng self-growth ang pag-aaral ng bagong skills kaya naman try mong mag-surf dito.
2. TANAY, RIZAL. Kung gusto mo ng fresh air at lumayo sa siyudad kahit isang araw lang, perfect para sa iyo ang Tanay, Rizal. Hindi aabot ng tatlong oras ang biyahe mula Maynila hanggang Tanay, kaya madali lang itong puntahan. Puwede kang mag-hiking o mag-camping sa mga bundok, gayundin, mas madali ang hiking trails dito na swak para sa mga nagsisimula pa lang. Puwede mo ring abangan ang sunrise at sunset sa taas ng bundok habang napaliligiran ng mga puno at malinis na hangin.
3. KALIBO, AKLAN. Habang maraming nagbabakasyon sa Boracay, try mong pumunta sa Bakhawan Eco Park, Kalibo. Isa itong mangrove restoration eco-trail na puno ng matatayog at magagandang mangrove trees.
4. BIRI ISLAND, SAMAR. Hindi masyadong kilala ang lugar na ito kaya hindi masyadong crowded. Ibig sabihin, single-friendly destination. Ha-ha-ha! Mga besh, puwede kayong kumuha ng mga picture ng malalaki at magagandang rock formation o mag-free diving sa malinis na dagat.
5. QUEZON PROVINCE. Para naman sa mga may gusto ng religious experience, go ka na rito dahil maraming matatandang Simbahan na puwedeng bisitahin. Puwede kang mag-reflect dito tungkol sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.
For sure, may nagustuhan kayo sa mga nabanggit kaya go na, besh! ‘Wag kayong matakot sumubok ng bagong bagay nang mag-isa dahil parte ng self-growth at love ang pagkilala sa sarili. Ayos ba?








Comments