top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Sinusundan ng ahas, sign na tutuksuhin hindi ng babae kundi ng kapwa lalaki

  • Socrates Magnus
  • Feb 23, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Robert na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor, Napanaginipan ko ‘yung ahas na malaki at habang naglalakad ako ay sunod nang sunod sa akin, kaya naging maingat ako sa paglalakad dahil iniisip ko na baka bigla akong tuklawin. Hanggang ngayon ay naiisip ko ang panaginip ko. Tulungan n’yo ako na malaman kung ano ang pahiwatig ng panaginip kong ito?

Naghihintay, Robert

Sa iyo Robert, Bihira sa mga lalaki ang nananaginip ng ahas dahil kadalasan, babae ang nananaginip nito. Ito ay dahil ang ahas ay isang phallic symbol na ang inilalarawan ay ang pagnanasang pangseksuwal ng mga lalaki na may gusto sa nanaginip na babae. Ito ay tukso, as in, tinutukso ng ahas ang babae.

Nasusulat, tinukso ng ahas ang babae o si Eba, kaya mula noon hanggang ngayon, ang ahas ay simbolo ng tukso. Tulad ng nasabi na, tinutukso ng ahas ang babae sa seksuwal na pagnanasa. Ito mismo ang masama na nakakapit sa salitang tukso.

Sa totoo lang, hindi naman masama ang seksuwal na pagnanasa dahil ang tao ay may sex organ, kaya paano magiging masama ang seksuwal na pagnanasa?

Kapag ang tao ay nagsisikap sa buhay para gumanda ang kinabukasan kung saan ang pagsisikap ay nasa maayos o mabuting paraan, parang malaking biro na siya ay makararanas ng tukso sa buhay. At kapag siya ay natukso, hindi na niya matututukan ang pagsisikap dahil siya ay lalamunin ng pagnanasang pangseksuwal.

Ganito ang madalas na nangyayari sa mga mag-asawa na nasisira ang buhay dahil naiba na ang priority kung saan hindi na pagsisikap ang binibigyang-pansin kundi kung sino ang nanunukso sa kanya. Sa ganitong katotohanan, suriin mo ang buhay mo, lumayo ka sa mga puwedeng tumukso sa iyo, lalaki man sila o babae.

Iba na ang panahon ngayon, sabi nga, ultra-modern na ang mundo kaya makikita na ang ahas ay hindi lang napapanaginipan ng kababaihan kundi maging ng mga lalaki rin. Sa lumang panahon tulad ng nasabi na, kapag babae ang nanaginip ng ahas, may lalaking may pagnanasa sa kanya.

Kumbaga, ang babae ay tutuksuhin ng lalaki.

Ngayon, may bago na, pero hindi gaanong nagbago dahil lalaki pa rin ang tukso, kaya lang, ang kaunting pagbabago ay lalaki rin ang tutuksuhin o ang nanaginip na lalaki tulad mo ay magugustuhan ng iyong kabaro.

May mga tukso na babae ang manunukso sa lalaking nanaginip. Gayunman, ito ay hindi sa panaginip dahil ang ahas sa panaginip mo ay malaki kung saan ang salitang malaki ay kabilang sa masculine type na paglalarawan, kaya muli, ang ahas sa panaginip ay kapwa mo lalaki.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page