top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sagittarius at Aries, perfect match, susuwertehin ang kasal kung pula, violet, lilac, pink o lavende

Maestro Honorio Ong
Feb 23, 2020
2 min read

Dear Maestro, Kami na ba ang magkakatuluyan ng boyfriend ko na isinilang noong April 15, 1989 at December 12, 1991 naman ang birthday ko? Matagal na kaming may relasyon at sa kanyang pag-uwi (nasa abroad siya ngayon), balak na naming magpakasal sa 2021.

Maestro, kung matutuloy ang nasabing kasal, magiging maligaya kaya ang aming papasuking pag-aasawa kung sakaling kami na ang magkakatuluyan?

Umaasa, Ghie ng Don Jose, Santa Rosa, Laguna

Dear Ghie, Ang zodiac sign mong Sagittarius at Aries naman ang boyfriend mo ay kapwa pinaghaharian ng elementong fire o apoy, habang ang birth date mong 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) at 15 o 6 (ang 15 ay 1+5=6) naman ang boyfriend mo ay nagsasabing compatible naman kayo sa isa’t isa.

Sapagkat, ayon sa Western Astrology, ang pagsasama ng parehong fire ay sadyang suwetung-suweto at tugma talaga, ganundin ang numerong 6 at 3 na kapwa under sa tinatawag na grupo ng numerong 3-6-9, sila ang mga numerong divisible by 3 at dahil magkakatugma sila, maraming matagumpay na relasyon ang itinatala kapag ang nasabing mga numero ang nagkakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na relasyon.

Upang lalo pang matiyak na magiging maligaya at successful ang papasukin n'yong pag-aasawa sa 2021, itapat ang pinaplanong kasal sa buwan ng Marso o Abril, puwede rin sa buwan ng Hunyo hanggang Setyembre o Nobyembre hanggang Disyembre, sa mga piling petsang 5, 14, 23, 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo sa mga panahong nasa first quarter hanggang new moon o full moon.

Pula, violet, lilac, pink o lavender naman ang gamitin n'yong motif sa araw ng inyong kasal at puwede ring gamitin ang nasabing mga kulay sa mga gamit sa inyong bahay o bilang opisyal na kulay ng inyong masaya at romantikong samahan.

Habang, ayon sa iyong Love Calendar, tiyak na magaganap sa susunod na taong 2021 sa nasabing mga buwan, walang duda, matutuloy ang binabalak n'yong kasal ng kasalukuyan mong boyfriend upang ang nasabing pag-iisang-dibdib ay tuluyan na ring mauuwi sa pagbuo ng maunlad, maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page