top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Pebrero 23, 2020 (Linggo)

Maestro Honorio Ong
Feb 23, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 23, 2020 (Linggo): Ibuhos mo ang iyong lakas at talino para sa sarili mong pag-asenso. Huwag kang magpapagamit sa iba at unahin mo ang iyong sariling kinabukasan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magparaya ka. Kahit maagrabiyado ka nang konti, pumayag ka dahil sa huli, may mas malalaki at maraming pakinabang ang mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-23-28-35-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang maniwala sa ipapayo sa iyo na tapatan mo ng galit ang galit. Mas magandang isabuhay na ang pag-ibig ang dapat itapat sa galit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-25-26-34-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Magtanim ka ngayon hindi ng halaman kundi ng magagandang bagay sa taong biglang dumating sa iyong buhay. Ang aanihin mo ay mga pakinabang para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-26-29-30-31-39.

CANCER (June 21-July 22) - Sasaya ka sa araw na ito at sasaya rin ang malalapit sa iyong puso. Ang mga kalungkutan ay biglang magsisitakas sa iyong harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-24-26-37-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Gamitin mo ang kakayahang taglay ng bawat tao at ito ay ang pagtutuos. Ibig sabihin, tingnan mo ang mga pakinabang ngayon at ang pakikinabangan mo sa hinaharap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-18-20-24-25.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mamumunga ang iyong mga pagsisikap, kaya ituloy mo lang ang iyong pagtitiyaga habang positibo mong hinaharap ang mga araw na darating. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-22-26-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Totoo na kapag naghanap ay makakakita, pero para sa iyo, ang totoo ay kahit hindi ka maghanap, ikaw ay kusang lalapitan ng mga taong magagandang kapalaran ang hatid sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-18-21-28-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong hahayaan na manghimasok sa iyo ang nagkukunwaring mas marunong at maalam kaysa sa iyo. Ang ilog na maingay ay mababaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-18-25-26-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mamuhunan ka hindi sa negosyo kundi sa pakikisama sa mga tao. Kumikita ang puhunan sa negosyo at kumikita rin at mas mahalaga ang pamumuhunan sa mga tao. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-20-21-25-27.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pilitin ang ayaw. Masasayang lang ang iyong mga araw, kaya mahalin mo ang mga nasa tabi mo na hindi ka iniiwanan at palaging nakahandang unawain ang iyong kahinaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-17-28-30-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Layuan mo ang taong hindi ka masakyan. Layuan mo rin ang mga makita mo pa lang ay naiinis ka na. Hindi magiging maganda ang mga araw mo kapag sila ay nakakasama mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-18-29-30-39-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magdalawang-isip dahil ngayon mo kailangan ang matibay na paninindigan. Ang pag-aalinlangan ay nagdadala ng masaklap na kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-17-21-24-44.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Good news sa mga gusto pang humabol sa Date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus! Dahil abalang araw po ang Feb. 14 para sa mga taong nag-iibigan, napagdesisyunan po ng pamunuan ng BULGAR na i-postpone ang ating Valentine promo at ilipat ito sa Feb. 29, Sabado, 2 to 5 PM, nang sa gayun po ay maiwasan nating maabala ang mga may naka-schedule nang Valentine date sa mismong Araw ng mga Puso.

Para sa mga gusto pang humabol at sumali sa aming Valentine promo kung saan makaka-face-to-face sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus para basahin nang LIVE sa BULGAR Facebook page ang iyong kapalaran ngayong 2020, narito po ang mechanics…

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na: datehonoriosocrates@gmail.com. Puwede rin itong ipadala thru BULGAR Facebook Messenger, Twitter (@bulgarofficial) at Instagram (bulgar_online) account o ihulog ang sulat na naglalaman ng inyong impormasyon, piktyur ng guhit ng palad at selfie na may hawak na BULGAR newspaper sa 538 Quezon Avenue, QC.

Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa Feb. 29 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa BULGAR FB Live sa February 29, 2 to 5 PM at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page