top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Atat na raw magkaanak bago mag-50... Carlos, 40-anyos na, wala pa ring dyowa

  • Julie Bonifacio
  • Feb 23, 2020
  • 2 min read

Photo: @carlosagassi

After a long time, muli naming nakausap si Carlos Agassi sa launch ng bagong Guitar Apparel na dating kilala lang sa paggawa at pagbebenta ng mga underwear and under shirts.

Sa true lang, kung hindi man pinakauna ay pinakamatagal nang celeb endorser ng Guitar si Carlos. Kaya nakakatuwa na hanggang ngayon ay endorser pa rin siya nito together with Maja Salvador and Gloc 9.

Actually, hindi naman nawala sa pag-arte si Carlos. May mga nilalabasan pa rin siyang TV projects, ‘di man sa Dos, eh, sa ibang TV networks. Kaya kung aalukin muli siya ng Dos sa kanilang mga programa, he’s more than willing to do it.

“Hindi naman ako mapili. Kasi nanghihinayang din naman ako kung ibibigay nila ‘yung role sa akin. So, sila na po ang bahala. Kapag may ibinigay naman po sila, tinatanggap ko,” lahad ni Carlos sa ginanap na fashion show ng Guitar Apparel sa Robinson’s Place Manila sa Malate a few weeks ago.

In fairness kay Carlos, hanggang ngayon, ‘di pa rin nagbabago ang kanyang katawan at na-maintain niya ang pagiging fit.

“Sexy roles? Actually, inaalok nila ako. Forty na ako and I’ve been doing this for what, like 24 years? I mean, I still look the same but, like the shirt, same size pa rin naman. Yeah, puwede naman. Puwede naman. I’m sure even sila, ‘yung creative content, ‘yung mga pinapanood sa TV ngayon, paganda nang paganda. So, kung anuman ‘yung inisip nila, ‘pag in-offer nila sa akin, pag-isipan natin. And if it works, that’s good.”

Siyempre, gusto niyang makatrabaho ang mga gaya nina Daniel Padilla, Enrique Gil at Liza Soberano. Kahit daw daddy na ng mga Kapamilya stars, okey lang sa kanya.

“Okey lang maging third party, okey lang din akong maging daddy. Kahit ano, hahaha! Ang tanong, kung bagay, huh? But yeah, ah, kuya pa lang?” aniya. Sa mga kasabayan naman niya, hoping siya na makatrabaho ulit sina Claudine Barretto, Angelika dela Cruz, Ciara Sotto at ang mga dating kasama sa The Hunks na sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo and Bernard Palanca.

When asked sa kanyang love life, ‘di pa rin pala natatagpuan ni Carlos si Ms. Right, kaya sana raw sa edad niyang 40 ay dumating na ito. Gusto raw kasi niyang magkaanak ng kahit 2 lang bago siya mag-50. ‘Yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page