top of page
Pokwang.jpg

7 miyembro ng NPA, sumurender

Pabs Hernandez III
Feb 23, 2020
1 min read

Mountain Province — Pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko kamakalawa sa pamahalaan sa bayan ng Bontoc.

Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA sa headquarters ng Cordillera Police Provincial Office sa nasabing bayan para sa kanilang seguridad.

Napag-alamang isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang dalang mga armas, bala at subersibong dokumentoi sa mga awtoridad.

Ayon sa mga sumukong NPA, nais na umano nilang makapiling ang kanilang pamilya kaya nagbalik loob na sila sa gobyerno.

Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong rebelde upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik loob sa pamahalaan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page