top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nagsumbong, madir sumugod, pero walang nagawa… Matteo, sinuntok ang bodyguard ni Sarah?

  • Ador Saluta
  • Feb 22, 2020
  • 2 min read

Photo: Abs-cbn News

Ayon sa report ng Inquirer.net kahapon (Friday, February 21), isang private security guard na nagngangalang Jerry Tamara, 31-anyos, ang nag-file ng complaint kay Taguig Chief of Police Col. Celso Rodriguez laban sa aktor na si Matteo Guidicelli dahil sa umano’y pananapak sa kanya.

Sa panayam ni PNP Col. Rodriguez kay Tamara, aniya’y sinuntok siya ni Matteo nu’ng malaman nitong siya (bilang close-in security guard ng mga Geronimo) ang nag-leak o nagsumbong ng private civil wedding ng aktor at ni Sarah Geronimo sa isang plush hotel sa The Global City kina Mommy Divine at Daddy Delfin (mga magulang ng Popstar Royalty).

Kung February 20 (Thursday) naganap ang lihim na kasal at panununtok sa kanya at February 21 nang alas-3:00 ng madaling-araw nagsumbong ang sekyu sa Taguig Police, malamang na ang tsismis na kasalang Matteo-Sarah nitong Huwebes ay may katotohanan.

Diumano’y may teyping sa The Voice Teens ang Popstar Royalty nitong Huwebes (February 20), at umalis daw ito kinagabihan pagkatapos magteyping.

Walang makapagsabi kung saan dumiretso si Sarah pag-alis ng teyping subali’t hinala ng karamihan, sa kasal nila ni Matteo sa The Global City nagtungo ang actress-host.

Lihim na lihim daw at maging sa mga kasamahan sa industriya ni Sarah (maging ang co-judges niya sa The Voice Teens) ay walang nakakaalam na ikakasal na pala ito with her fiance, Matteo.

Ayon pa sa salaysay ni Jerry, wala ring alam ang parents ni Sarah sa magaganap na civil wedding kaya’t agad niya itong itinawag sa mga amo.

Dumating si Mommy Divine sa nasabing hotel bandang 11:30 nang gabi nu’ng Huwebes (tapos na ang kasal) at doon nito kinompronta ang anak.

Ayon pa kay Jerry, against daw ang mga magulang ni Sarah sa relasyon ng dalawa lalo na noong malamang engaged na sila last year.

Bilang close-in security guard ng mga Geronimo, sinabihan daw si Jerry ni Mommy Divine na tutukan ang mga kilos at ginagawa ng anak. Ang kanyang pagri-report ng private civil wedding sa mga magulang ni Sarah ay pagtupad daw sa mga iniuutos sa kanya.

Sa katunayan, na-surprise nga raw ang aktor sa pagdating ng mother-in-law sa kasal kaya’t agad itong naghinala na itong security guard ang nag-leak ng secret wedding kay Mommy Divine. Kaya nu’ng makita raw ni Matteo ang guwardiya sa venue, agad-agad niya itong sinuntok.

Sa bandang huli, sa mahinahong pag-uusap, pinili na lang ni Jerry ang ‘di pagpa-file ng formal charges sa aktor, sey ni Taguig Police Chief Rodriguez.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page