Madlang pipol, shocked sa ex-matinee idol… John Lloyd, untidy grooming daw, nasa sabungan pa?
Beth Gelena / Bulgary Files

Viral sa social media ang aktor na si John Lloyd Cruz dahil naispatan siya na nasa sabungan. Sa mga kuhang larawan ay nag-i-enjoy sa panonood ang aktor. Hindi lang nabanggit kung isa siya sa mga pumusta.
Ang mga netizens ang concerned kay JLC. Anila, okey lang kung nanonood lang siya, pero ‘wag na raw makisali pa sa ganyang sport. Addictive rin daw kasi ang sport na sabong tulad ng casino.
Komento ng mga netizens…”Sayang naman at may anak ka na, as much as possible, maganda kung may mana kang ibibigay.”
“Madaming artista na kahit malaki ang sinuweldo, nu’ng tumanda, nawala ang halos lahat ng inipon. Ang pera, nauubos.”
“Parang sobrang TH na ni JLC, magpaka-away from showbiz glitz? Ewan ko but you would see him in the least expected places with matching untidy grooming.
Puwede namang magpunta in places without looking like lacking proper hygiene. Magpaka-presentable pa rin sana kahit papaano like haircut, grooming, kumain ng masusustansiya and all that. ‘Yun lang naman ang akin.”
“Dating matinee idol, sabungero na ngayon!” ‘Wag naman sana agad tayong manghusga ng kapwa, madlang pipol. Malay naman po natin kung ang pagpunta ni Lloydie sa sabungan ay isang eksena para sa pelikula nila ng ex-GF niyang si Shaina Magdayao titled Servando
Magdamag na idinidirek ni Lav Diaz.
Let’s give him the benefit of the doubt, ‘ika nga.
***
Parehong sumali sina John Lloyd Cruz at Xian Lim sa Art Fair Philippines 2020 dahil may talent sa art ang dalawang aktor.
Kasama ang mga pangalan nila sa Open Realm – Alexander Lim (Xian) at Idan Cruz (John Lloyd Cruz).
Ipinost ni Xian ang kanyang likha which is marami naman ang nagkagusto. Sey ng mga netizens: “Talented din talaga si Xian. May iba pa siyang outlet of creativity.”
“Go Xian! Explore your talents and share them with the world while others bury their God-given gifts, too afraid to risk criticism, rejection and failure. I’d buy this peace, truthfully.”
Ang iba naman ay hinahanap ang gawa ni JLC. Hindi kasi ito naka-post sa socmed.
Komento ng mga netizens, “Sorry but I’m more curious to see Idan Cruz’s work. Lol.”
“JLC ba si Idan? Btw, ok ang painting for me.”






Comments