top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Horoscope | Pebrero 22, 2020 (Sabado)

Maestro Honorio Ong
Feb 22, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 22, 2020 (Sabado): Paangat ka nang paangat hanggang sa hindi ka na kayang abutin pa ng iyong mga karibal at kakumpitensiya. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutok lang. Tutukan mo ang iyong mga ambisyon at walang pagdududa na makakamit mo ang mga ito. Ang kawalan ng pagtutok ay numero-unong dahilan kung bakit ang tao ay umaani ng kabiguan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-20-24-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tukuyin o tiyakin mo kung ano ang gusto mo sa buhay. Huwag kang mag-aksaya ng lakas para lang sa kung anu-anong bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-24-28-33-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Magpatulong ka, pero tulong lang at ikaw pa rin ang mangunguna sa mga aktibidad para sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan. Huwag kang gumaya sa iba na ang tumutulong ang siyang bida. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-15-26-31-32-38.

CANCER (June 21-July 22) - Ipakita mo kung ano ka. Huwag mong itago ang iyong mga katangian. Ang nagsasama nang tapat ay magsasama, habambuhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-29-39-40-44-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Higit na matamis ang bunga ng pinaghirapan, pero ang nakuha agad ay matamis, pero madaling tumabang. Kaya huwag kang umatras at umayaw sa mga bagay na mahihirapan ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-22-25-26-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamit ang talas ng iyong isip, mabilis mong makukuha ang anumang gusto mo sa iyong buhay. Huwag kang mag-alinlangan dahil tiwala lang sa sarili ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-19-20-24-28-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit piliin mo ang landas ng buhay kung saan ay papawisan ka at mahihirapan, dadalhin ka pa rin ng iyong kapalaran sa walang kapantay na kaginhawahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-24-26-36-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pansinin ang mga taong nagsasaya na nag-aaksaya ng kabuhayan. Lumayo ka sa kanila dahil maaari kang mahawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-9-13-15-28-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapakita ang mga bituin sa langit kapag maganda ang panahon. Pansinin mo, gumaganda ang kapalaran mo dahil ang mga may kaya o angat sa buhay ay dumidikit sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-16-22-28-25-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iangat mo ang buhay ng isang malapit sa puso mo na walang kakayahang mapaganda ang kanyang kalagayan. Dito sa mundo, kung sino ang may kaya, siya ang dapat tumulong. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-14-15-20-25.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi sa mahina ka, pero kailangan mo pa ring dumikit sa may maitutulong sa iyo. Oo, malakas ka, pero kapag nag-iisa ka, malungkot na parang nawawala ang lakas mo at sigla. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-17-21-26-27-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sukatin mo na ang kakayahan ng iyong makahaharap. Ang iyong mga nakaraang kabiguan ay nag-ugat sa labis na pagtitiwala mo sa iyong kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-13-15-20-33-35.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Good news sa mga gusto pang humabol sa Date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus! Dahil abalang araw po ang Feb. 14 para sa mga taong nag-iibigan, napagdesisyunan po ng pamunuan ng BULGAR na i-postpone ang ating Valentine promo at ilipat ito sa Feb. 29, Sabado, 2 to 5 PM, nang sa gayun po ay maiwasan nating maabala ang mga may naka-schedule nang Valentine date sa mismong Araw ng mga Puso.

Para sa mga gusto pang humabol at sumali sa aming Valentine promo kung saan makaka-face-to-face sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus para basahin nang LIVE sa BULGAR Facebook page ang iyong kapalaran ngayong 2020, narito po ang mechanics…

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na: datehonoriosocrates@gmail.com. Puwede rin itong ipadala thru BULGAR Facebook Messenger, Twitter (@bulgarofficial) at Instagram (bulgar_online) account o ihulog ang sulat na naglalaman ng inyong impormasyon, piktyur ng guhit ng palad at selfie na may hawak na BULGAR newspaper sa 538 Quezon Avenue, QC.

Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa Feb. 29 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa BULGAR FB Live sa February 29, 2 to 5 PM at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page