Ayaw pakabog kina Megan at Bianca na mga karibal sa aktor… Alice, binago ang hitsura bumagay lang ka
- Erlinda Rapadas
- Feb 22, 2020
- 1 min read
Teka Nga ni Erlinda Rapadas

Photo: @alicedixson (left)
New look ngayon si Ms. Alice Dixson at mukhang pinaghandaan niya nang husto ang bago niyang serye sa GMA-7, ang Legal Wives kasama sina Dennis Trillo, Megan Young at Bianca Umali.
Ayaw naman siguro niyang magmukhang tita ni Dennis dahil siya ang gaganap bilang unang asawa ng aktor sa kuwento ng Legal Wives. Besides, she’s 50 years old na, kasabay pa niya ang Ms. World 2013 na si Megan Young at ang young
Kapuso actress na si Bianca Umali. Kaya manggugulat si Alice sa kanyang total transformation.
In fairness, hindi naman siya alangan kay Dennis base sa naglabasan nilang pictorial. Pasable pa rin si Alice na maging leading lady ng sinumang middle-aged actors.
Gaganap si Dennis bilang isang Muslim kung saan legal ang pagkakaroon ng maraming asawa basta kaya niyang suportahan ang mga ito.
Ang Legal Wives ay ididirek ni Zig Dulay.





Comments