top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Siya raw, may free housing project… Robin, hinamon ang mga kapwa artista na i-donate ang mga suweld

  • Nitz Miralles
  • Feb 21, 2020
  • 2 min read

Nitz Miralles / Bida

May paliwanag si Robin Padilla kung bakit may ilang posts siya sa Instagram (IG) kung saan naka-disable ang comment box. Ginawa niya ito para maiwasan ang pag-aaway ng mga kon­tra at pabor sa kanyang post. Hindi lang ka­si siya ang inaaway, pati na rin ang mga nag-a-agree sa kanya.

Sa new three posts ni Robin, disabled ang comment box kaya nganga ang mga viewers na gusto sanang maki-comment. Bago nag-disable si Robin ng comment box, may nag-comment sa previous posts niya na dapat ay maging example ang pamilya ni Binoe kabilang ang asawa niyang si Mariel Rodriguez at ang mga kamag-anak niya na bawasan ang talent fee nila kahit 30 percent lang at idagdag sa sahod at benepisyo ng maliliit na employees dahil sobrang laki raw ng talent fee nila.

Sagot ni Robin: “Matagal ko na po itong ginagawa, hindi ko lamang po ipinagsasabi. Nakakuha nga po ng mga gold medal ang Philippine muay thai team nu’ng panahon ko bilang presidente nila dahil I donated my whole TF sa Philippine team at may mga free housing din po ako kaya nga po inaan­yayahan ko ang mga superstars na mag­la­basan ng kontrata pati na rin bankbook para maumpisahan ang sinasabi n’yo. Baka gusto n’yo po kayo ang mag-sponsor ng venue, imbitahan n’yo po sila at darating ako at handa akong pumirma sa kasunduan. Gawin nating 100 percent mapunta sa non-regular employees.”

Anyway, kahit disabled na ang comment box ni Robin sa mga posts niya tungkol kina Sen. Bong Go at Bato dela Rosa, pinani­nin­digan pa rin niya na ang kapakanan ng mga Filipino ang priority ng dalawang senador at pati ni President Rodrigo Duterte.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page