May kilala ka bang ganito? Nakakatakot, ha? Obsessive love, kayang pumatay ng sobrang nagmamahal
- Sr. Socrates Magnus II
- Feb 21, 2020
- 2 min read
Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa iba’t ibang klase ng pag-ibig o love.
Pag-usapan naman natin ang “obsessive love”. Ito ang sobra-sobrang pagmamahal na maaaring masabing love na humahanga sa madness.
Nangyayari ang ganito kapag pinaghaharian ng selos at matinding galit ang tao habang umiibig. Ang obsession ay mararanasan sa mga mag-partner na ang kanilang karelasyon ay halimbawang inilalayo sa pamilya kung saan makikitang ayaw ng partner na wala nang iba pang mamahalin ang kanyang minamahal.
Pinagbabawalan din niya na makipagkaibigan at inilalayo sa mga kakilala dahil gusto niya na wala nang ibang taong magiging bahagi ng buhay ng kanyang partner.
Sa biglang tingin, may mga positibo ring larawan ang obsession. Ito ay ang kanyang minamahal ay bibigyan niya ng ligaya na gagawin sa pamamagitan ng pagbibigay ng sobrang magagandang bagay.
Kumbaga, igagawa niya ng paraan by hook or by crook para lang mabigyan ng ligaya ang kanyang minamahal. Muli, sa biglang tingin lang ang parang positibong bagay na ito, subalit, ito rin ay hin-di tamang mangyari.
Minsan, ang isa pang larawan ng obsession ay sa panahon ng pagliligawan, hindi pa nagkakaroon ng aktuwal na pagmamahalan sa kanilang dalawa, makita lang niya ang larawan ng nililigawan ay sobra-sobra nang sumasaya ang may obsessive love.
Hindi naman limitado lang sa mga larawan dahil kabilang din ang mga bagay na pag-aari ng kanyang minamahal na nagbibigay ng labis na kasiyahan sa may obsessive love.
Nakakatakot ang ganitong klase ng love dahil ito ang love na maaaring makagawa ng immoral na bagay, krimen o kahindik-hindik na pangyayari na maaaring mauwi sa marahas na pagkilos, pagpatay sa pinagseselosan at minsan pa nga ay pagpatay sa mismong minamahal.
Kaya madalas, ang obsessive love ay nagreresulta sa pagkakulong sa piitan nang mahabang panahon. Kadalasan din, ang pagsu-suicide sa panig ng may obsessive love ay hindi naiiwasan.
Ikaw, may karelasyon ka ba ngayon? Dapat maging mapag-obserba ka dahil baka ang nagmamahal sa iyo ay may obsessive love.
Kapag napansin mong maaaring ganu’n na nga, ang payo ay lumayo ka o magpakalayu-layo dahil ito lang ang tanging paraan upang ikaw ay makatakas sa masamang puwedeng mangyari sa buhay mo. Good luck!



Comments