top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kahit malas daw sa network, Regine… Ogie, ayaw pakawalan ng DOS, pinapirma uli ng kontrata

Erlinda Rapadas
Feb 21, 2020
1 min read

Kahit nagkakagulo at nagtatalu-talo pa ang lahat kung makakapag-renew ng franchise ang ABS-CBN o hindi, hindi napigil sa pagpirma ng ba­gong kontrata ang ilang artista ng Dos.

Kasabay ni Ogie Alcasid, nag-renew din ng contract ang Magandang Buhay hosts na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros, ganu’n din sina Carlo Aquino, JC de Vera at Kit Thompson.

Hanggang Marso 30, 2020 pa malala­man ang magiging kapalaran ng ABS-CBN, pero hindi na­wa­walan ng pag-asa ang mga artists/employees ng Dos.

Magkakaroon din ng liwanag at solusyon ang ma­bigat na problema ng Kapamilya Network at si Ogie Al­casid na sinabihang jinx o malas sa ABS-CBN, heto at pinapirma pa ulit ng panibagong kontrata. Nanga­nga­hulugan lamang na malaki ang tiwala ng ABS-CBN sa isang artist na katulad ni Ogie at hindi naniniwala sa mga paninira ng mga bashers.

Let’s see kung sinu-sino ang maiiwang artists ng Dos na hindi mang-iiwan sa gitna ng krisis na kina­kaharap ng network.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page