top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Pebrero 21, 2020 (Biyernes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 21, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 21, 2020 (Biyernes): Malambot ang iyong damdamin kaya madalas ay naaawa ka sa hindi dapat kaawaan. Pero dahil sa iyong kabaitan, lalo kang pinagpapala ng langit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Labanan mo ang iyong emosyon. Sa negosyo, hindi dapat pairalin ang damdamin. Ang kabuhayan ang iyong tutukan ngayon kaysa sa anumang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-23-35-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-ingat ka dahil naglipana ngayon ang mga mapagsamantala na ang hinahanap ay ang may mahihinang kalooban. Sila na mahihina ay hindi nakatatanggi sa mga mandaraya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-26-38-44-45.

GEMINI (May 21-June 20) - une 20) - Hanapin mo ang mga bagay na magpapasaya sa iyo at layuan mo ang mga magbibigay sa iyo ng lungkot dahil sa ganitong paraan, lalakas ang iyong kalusugan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwereng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-24-25-36-42.

CANCER (June 21-July 22) - Manghiram ka ng susi ng tagumpay mula sa nakikita mong umaasenso. Hindi masama ang manghiram para sa ikagaganda ng iyong buhay. Ang masama ay ang manatili sa kahirapan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-28-30-33-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maawa ka at ito ay maganda dahil ang maawain ay magandang katangian. Ingatan mo lang na ang iyong kaaawaan ay iyong mamahalin. Ang pag-ibig at awa ay hindi magkatulad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-18-22-25-26-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagdaratingan ang mga suwerte mo sa buhay dahil nakita ng langit na ang iyong kabaitan ay wagas at dalisay. Sa pagdating ng mga biyaya, bigyan mo ng tuwa ang mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-29-30-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong ipagdamot ang iyong pagmamahal sa nagmamahal sa iyo. Ang pagdamutan mo ng pagmamahal ay mananamantala sa iyong kabutihang-loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-21-29-32-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - binabalita ng araw na ito na ang mga bituin sa langit na iniuugnay sa magagandang kapalaran ay parang nagkaisa na pagkalooban ka ng malalaking suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-24-25-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Isip ang paganahin mo at hindi ang damdamin. Madalas, kapag ang damdamin ay nakialam sa hanapbuhay, ito ay nagreresulta sa pag-atras ng kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-20-24-28-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pera o ligaya? Walang pagdududa na ang huli ang iyong pipiliin. Magtataka naman ang ilan na malalapit sa iyo dahil sa gagawin mong pagpapasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-22-26-30-35-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag sumasakit ang ulo mo nang dahil sa problema, mamasyal ka at kapag hindi ka makapagpasya, lumayo ka na. Sa ganitong paraan, lilinaw ang iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-19-28-30-39-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalapit sa iyo ang suwerte mo, kaya kung sino ang biglang lumapit sa iyo, siya at wala nang iba ang suwerte mo. Muli, lalapit sa iyo ang suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-11-14-16-24.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Good news sa mga gusto pang humabol sa Date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus! Dahil abalang araw po ang Feb. 14 para sa mga taong nag-iibigan, napagdesisyunan po ng pamunuan ng BULGAR na i-postpone ang ating Valentine promo at ilipat ito sa Feb. 29, Sabado, 2 to 5 PM, nang sa gayun po ay maiwasan nating maabala ang mga may naka-schedule nang Valentine date sa mismong Araw ng mga Puso.

Para sa mga gusto pang humabol at sumali sa aming Valentine promo kung saan makaka-face-to-face sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus para basahin nang LIVE sa BULGAR Facebook page ang iyong kapalaran ngayong 2020, narito po ang mechanics…

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na: datehonoriosocrates@gmail.com. Puwede rin itong ipadala thru BULGAR Facebook Messenger, Twitter (@bulgarofficial) at Instagram (bulgar_online) account o ihulog ang sulat na naglalaman ng inyong impormasyon, piktyur ng guhit ng palad at selfie na may hawak na BULGAR newspaper sa 538 Quezon Avenue, QC.

Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa Feb. 29 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa BULGAR FB Live sa February 29, 2 to 5 PM at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page