top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Birthdate at destiny number, parehong mahina kaya zodiac sign ang dapat pairalin para makapag-abroad

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 21, 2020
  • 2 min read

Dear Maestro, Mag-a-apply ako abroad bilang factory worker sa Taiwan, kaya balak ko sanang mag-resign sa aking trabaho kung sakaling matutuloy ako.

Hanggang ngayon ay parang nagdadalawang-isip pa rin ako dahil ang ikinatatakot ko ay kung hindi ako matuloy o hindi naging maganda ang buhay ko abroad, paano pa ako makababalik sa kasalukuyan kong trabaho na medyo okey naman ang suweldo at maganda na rin ang posisyon ko rito? Ano ba talaga ang nasa kapalaran ko at ano ang maipapayo n’yo sa akin, Maestro, aasenso ba ako sa pangingibang-bansa o hindi?

Pangarap kong makapagpundar ng sarili naming bahay at lupa dahil nangungupahan lang kami. March 29, 1986 ang birthday ko.

Umaasa, Jhong ng Bagong Paraiso,

Orani, Bataan

Dear Jhong,

Ayon sa birth date mong 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) at sa destiny number mo na nagkataong two (2) din (3+29+1986=2018/ 20+18=38/ 3+8=11/ 1+1= 2) ay nagsasabing kaya ka namumroblema at naguguluhan kung ano ang nararapat mong maging desisyon ay dahil nagkataong kapwa weak ang birth date mong 2 at destiny number mong 2. Ang numerong 2 ang dahilan kung bakit palagi kang nagdadalawang-isip.

Buti na lang at naging strong ang zodiac sign mong Aries na may ruling planet na Mars kung saan kapag ang strong na zodiac sign mo ang nasunod at nanaig kaysa sa weak na birth date at destiny number mo, tiyak ang magaganap, mapapawi na ang iyong mga pag-aalinlangan at suwabeng-suwabe ka nang makapagdedesisyon nang sakto at tama para sa iyong magandang kapalaran.

Kaya naguguluhan, tulad ng nasabi na, umiiral pa sa iyong pagpapasya ang weak number mong 2, pero sigurado namang darating ang saktong panahon, lalo na sa panahong ito na ang namamayaning year ay ang animal sign na Rat na may katumbas na zodiac sign na Sagittarius, sa Western Astrology, higit na iiral sa iyong pagpapasya ang zodiac sign mong Aries at kapag ito ang higit na nanaig kaysa sa numerong 2, walang pagdadalawang-isip, bigla kang makapangingibang-bansa ngayong 2020 at sa edad mong 34 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page