top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Horoscope | Pebrero 20, 2020 (Huwebes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 20, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 20, 2020 (Huwebes): Totoong maraming mga suwerte ang darating sa buhay mo. Ang payo ay maging masinop ka at mapagpahalaga sa mga biyayang kaloob sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi puwede ang walang pahinga at ang pahinga sa trabaho ay ang pagkakaroon ng saya, kaya magsaya ka kahit nag-iisa ka. Mamasyal ka nang manariwa ang iyong lakas at sigla. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-26-33-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli, ikaw ang masusunod kapag nag-utos ka, pero puwede ring ikaw ang maging masunurin sa mga kagustuhan ng malapit sa puso mo. Mas maganda kung ikaw ang mag-uutos. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-28-30-32-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Dahan-dahan lang, sa ngayon, ang kailangan mo ay maghinay-hinay lang at ito ay para makapagpahinga ka. Bago ka sumabak sa matinding pakikipagsapalaran, pahinga ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-19-20-25-28-37.

CANCER (June 21-July 22) - Palipasin mo ang sama ng loob mo at huwag kang maging mapusok at marahas. Magandang kontrolado mo ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-17-28-33-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka ngayon at susuwertehin ka pa sa darating na mahabang mga araw kapag ang malapit sa iyo na alam mong nangangailangan ay iyong tutulungan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-20-21-29-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipaglaban mo ang paninindigan mo dahil nasa matuwid at tama ang mga pananaw mo. Kahit mali ang tao, ipinaglalaban niya ang kanyang paniniwala, ikaw pa kaya na nasa tama? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-27-30-39-43-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umiwas ka sa bisyo at dapat mo ring maunawaan na bisyo rin ang pagbili ng kung anu-ano na hindi mo naman gaanong ginagamit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-25-28-35-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumalawak ang kaisipan ng mga nagtatanong, kaya huwag kang maasiwa na magtanong sa mga alam mo nang nagtagumpay sa kanilang larangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-7-10-24-27-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo dahil pagsasayang lang ng oras ang pagpatol sa kanila. Ituloy mo lang ang pagsisikap mo at maiiwanan mo sila nang milya-milya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-21-29-31-33-37-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang gagawin mong mga kaibigan. Ang iba sa kanila na gustong makipagkaibigan sa iyo ay magmamatiyag lang at aabangan ang iyong kahinaan at kasiraan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-28-35-37-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka maaawat na magsaya. Ang totoo nga, kahit mag-isa ka ay magsasaya ka. Hindi ka masisisi dahil sa saya at ligaya ka nabubuhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-29-30-36-37-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka muna sa gagawin mong paglalakbay sa malalayong lugar dahil mas sasaya ka kung may plano ka. Kapag wala kang plano, maraming bagay ang panghihinayangan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-29-33-35-42.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 29, 2 PM to 5 PM sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page