top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Aktor, nakaakbay naman sa aktres… Piktyur na nakayakap si Sanya kay Alden, lumabas

Nitz Miralles
Feb 20, 2020
2 min read

Nitz Miralles / Bida

Binisita namin ang Ins­tagram (IG) account ni Sanya Lopez to check kung pinasok na siya ng mga bashers dahil nali-link siya kay Alden Richards ngayon. But so far, wala pang namba-bash kay Sanya at kung meron man, kaya niyang harapin.

Na-link sina Alden at Sanya dahil sa kumalat na photo ng dalawa na parang kuha sa rehearsal ng All-Out Sundays kung saan nakaakbay sa kanya ang Pam­bansang Bae. Nakayakap si Sanya kay Alden ha­bang nasa dibdib ng aktor ang kanyang ulo.

Actually, walang malisya sa photo at parang nag-uusap lang sina Alden at Sanya at kilala naman ng mga fans at supporters ng Pambansang Bae na sweet ito sa mga female friends niya. Mahilig siyang yumakap sa mga kaibi­gang babae katulad ng nasa kuma­kalat na piktyur.

Sakaling maging sina Al­den at Sanya naman, walang ma­sama dahil pareho silang single at nasa right age na to have a relationship. Matagal nang sinasabi ni Alden na ready na siya to have a GF at nagha­hanap siya ng babaeng ma­ma­halin. Kung si Sanya ‘yun, wa­lang masama.

Hindi lang maiwasang may mga fans na ayaw kay Sanya para kay Alden, hindi raw sila bagay dahil sa sexy image nito at mas nakagawa na ng mala­king panga­lan ang aktor kum­para sa aktres.

May mga pabor din naman kay Sanya dahil pareho silang ma­ka­pa­­milya ni Alden, mabait, hindi mahilig sa night-out at NBSB o No Boyfriend Since Birth. Pareho rin silang good-looking ni Alden at nag­ko-com­plement ang hitsura.

Tama ang komento ng isang ne­ti­zen na fans lang si­la at wala silang ka­rapatang pakialaman ang personal life ni Alden at kung sino ang mamahalin nito. Kung ang pamilya nga ng aktor, hindi nakikialam, bakit kailangang mang­himasok ang mga fans kung sino ang mamahalin ng aktor?

Lalong magri-react nito ang mga ayaw kay Sanya para kay Alden kung isasama ito sa All-Out Sundays. Magiging doble ang stress ng mga fans na ayaw yatang magka-GF si Alden dahil ayaw din nila kay Julie Anne San Jose na part din ng show.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page