Sorry na lang sa anak ni Marjorie… Janella, tanggap na ng fans bilang kapalit ni Julia kay Joshua
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Click na click sa mga viewers at netizens ang JoshNella love team nina Joshua Garcia at Janella Salvador na nagsimula sa The Killer Bride na pinagbidahan ni Maja Salvador. At masaya ang mga fans ni Joshua dahil sa kabila ng pagkakabuwag ng JoshLia tandem nila ng ex-GF niyang si Julia Barretto ay nagawa pa ring mag-stay ng young actor sa limelight.
Ang maganda pa, kahit rumored GF ni Markus Paterson si Janella, tinanggap din ng mga fans ng young actress si Joshua at sobra-sobra ang naging chemistry ng dalawa dahil maging si Maja ay suportado ang JoshNella.
Dahil dito, nag-request ang mga fans nina Joshua at Janella na muling pagsamahin sa isang proyekto ang dalawa.
Siguradong marami ang excited dahil bilang tugon sa kahilingan ng JoshNella fans, magsasama muli sina Joshua at Janella sa Maalaala Mo Kaya episode kung saan nag-practice pa ang dalawa ng cheerleading para sa kani-kanyang role.
Sey ni Janella, “We are actually super excited kasi nga this is our first time to work together sa MMK naman.”
Nagpasalamat din si Janella sa mga fans and supporters nila ni Joshua. Aniya, “Sobrang thankful kami kasi nakakatuwa na after nu’ng Killer Bride, lalo pa silang lumakas and mas naging united. We are very excited to be able to work with each other more pa and make them happy.”
Sabi naman ni Joshua, “Ang sipag ng mga fans namin, eh, nakikita ko sa Twitter, lagi silang nagpapa-trending.”
Sa series of photos and videos na ipinost ng MMK sa kanilang Instagram account, makikita ang sweetness nina Janella at Joshua.
Komento ng mga netizens: “Hoooyyy! GRABE, teaser pa lang pero gustung-gusto ko nang mapanood nang buo!!! Ano ba, JoshNella!?”
“JoshNella, nananakit sa kilig, wahhhhhh!”
Well, abang-abang na lang tayo sa Sabado, after The Voice Teens 2!





Comments