top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga bida ng hit K-Drama na Crash Landing On You… Kampo ni Hyun Bin, todo-deny na nagde-date sila ni

Lee Vin Nia
Feb 19, 2020
1 min read

Kung kelan natapos na ang hit Korean Drama na Crash Landing on You ay saka naman la­long umi­nit ang tsikang “dating” na raw ang mga bida nitong sina Hyun Bin at Son Ye Jin.

Kahapon kasi ay lumutang sa internet ang larawan ng dalawa na kuha mula sa “making-of” video ng CLOY. Isang online user ang nag-post ng screenshot and pointed out a scene na tila magka-holding hands daw sina Hyun Bin at Son Ye Jin sa ilalim ng mesa.

Sa nasabing screen­shot, ang eksenang ki­nukunan ay ‘yung part na ku­main sina Hyun Bin and Son Ye Jin sa isang restaurant sa Pyong­yang, North Korea na inere noong Dec. 29.

Sa report ng So­ompi ay hindi raw masya­dong ma­­linaw sa lara­wan kung kani­nong ka­may ang na­kaha­wak kay Son Ye Jin.

Kaya naman ka­agad na nag-release ng official statement ang agen­cy ni Hyun Bin at itinanggi ang “dating” rumors.

Nilinaw ng agen­cy ni Hyun Bin na sa na­turang eksena, Son Ye Jin was holding her own hand.

Last year ay natsismis na ring “dating” ang dalawang South Korean superstars. Ang tsika pa ay nagbiyahe raw silang magkasama abroad at pareho naman itong itinanggi ng agencies ng dalawa.

In fairness, bagay naman sina Hyun Bin at Son Ye Jin at marami ang nagsi-ship sa kanila dahil nga sa tindi ng chemistry nila sa CLOY. Kaya kung magkakatuluyan sila ay marami ang matutuwa for sure.

Both Hyun Bin and Son Ye Jin are not yet married at wala ring napapaba­litang karelasyon nila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page