Horoscope | Pebrero 19, 2020 (Miyerkules)

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 19, 2020 (Miyerkules): Yayaman ka at ito ay tinitiyak ng iyong kapalaran. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang ilang yaman mo nang sa gayun ay magpatuloy ang pagyaman mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ang kapalaran upang lalo pang umunlad ang iyong buhay. Huwag kang hihinto, magpatuloy ka nang sa gayun ay hindi makalagpas ang napakagandang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-27-34-36-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na ang mga sinag ng bituin na may kinalaman sa buhay ng tao ay tatama sa iyo. Ibig sabihin, ikaw ay tiyak na tiyak na susuwertehin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-16-20-25-26.
GEMINI (May 21-June 20) - Tumaya ka at itaya mo ang iyong kapalaran dahil wala kang talo. Noon pa man, ang buhay mo ay isang pakikipagsapalaran, kaya malinaw na malinaw na sa pakikipagsapalaran ka na nabubuhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-9-11-27-43-46.
CANCER (June 21-July 22) - Labanan mo ang iyong emosyon. Kapag kabuhayan ang pinag-uusapan, ang damdamin ay dapat isinasantabi. Muli, labanan mo ang iyong emosyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-28-31-33-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na hawak mo ang mundo sa araw na ito. Ibig sabihin, kung ano ang gusto mo, puwedeng-puwedeng mangyari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-19-27-28-31-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itago mo muna ang iyong mga kahinaan at ilabas mo ang iyong mga kalakasan dahil ito ang susi mo para maraming kayamanan ang mapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-15-18-26-29.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bibigyan ka ng kalayaan para magawa mo ang mga gusto mong gawin. Hindi maiiwasan na may kokontra pa rin sa iyo, pero wala silang magagawa at ikaw pa rin ay lalaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-19-20-25-27.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabalikan ang mga suwerte, kaya sisigla ka at bibilis ang pag-unlad ng iyong buhay. Sa love life naman, ganundin, nagbabalikan ang mga naging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-14-24-41-43-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Doble-doble ang mga suwerte mo, kumbaga, hindi lang isa kundi marami ang magiging pakinabang ng iyong pagsisikap na parang punong hitik na hitik sa bunga. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-16-20-23-33-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hayaan mo lang na mawala sa iyo ang mga gustong umalis. Hahabulin ka rin nila sa huli dahil matatauhan sila kapag nakitang siya ay may kapalit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-18-21-27-32-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Piliin mo ang kaginhawahan kaysa sa ibang bagay. Nagsisikap ang lahat at nagpupursigi para guminhawa ang buhay, pero ikaw ay makikitang inaalayan ng kaginhawahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-19-22-25-28-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na. Ipaglaban mo ito at huwag kang pumayag na mapunta sa iba. Kapag nakitang mahigpit ang iyong pagkakahawak, titigil ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-14-20-30-32.

Valentine date kina
Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus, extended!
Good news sa mga gusto pang humabol sa Date kina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus! Dahil abalang araw po ang Feb. 14 para sa mga taong nag-iibigan, napagdesisyunan po ng pamunuan ng BULGAR na i-postpone ang ating Valentine promo at ilipat ito sa Feb. 29, Sabado, 2 to 5 PM, nang sa gayun po ay maiwasan nating maabala ang mga may na-schedule nang Valentine date sa mismong Araw ng mga Puso.
Para sa mga gusto pang humabol at sumali sa aming Valentine promo, kung saan makaka-face-to-face sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus para basahin nang LIVE sa BULGAR Facebook page ang iyong kapalaran ngayong 2020, narito po ang mechanics…
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com. Puwede rin itong ipadala thru BULGAR Facebook Messenger, Twitter (@bulgarofficial) at Instagram (bulgar_online) account o ihulog ang sulat na naglalaman ng inyong impormasyon, piktyur ng guhit ng palad at selfie na may hawak na BULGAR newspaper sa 538 Quezon Avenue, QC.
Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa Feb. 29 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa BULGAR FB Live sa February 29, 2 to 5 PM at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran. So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!




Comments