top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Eleksiyon at rebelyon, iisang mithiin, magkaibigang paraan

Ka Ambo
Feb 19, 2020
2 min read

Inaresto ang dating supremo ng CPP-NPA.

Ngayon lang siya natagpuan!

◘◘◘

NAGPIYANSA na ang mga kinasuhan ng sedisyon.

Ano ang sedisyon?

Ito ay ang pagtangkang pang-aagaw sa umiiral na gobyerno!

◘◘◘

ANO ang ibig sabihin ng pang-aagaw sa gobyerno?

Ano ang pagkakaiba nito sa pag-agaw sa puwesto gamit ang eleksiyon?

◘◘◘

BATAY sa Konstitusyon, ang normal na proseso sa pagpapalit ng liderato ay ang aktuwal na halalan.

At ito ay payapa at tahimik!

◘◘◘

SA eleksiyon, ang porma o estilo ng gobyerno ay mananatili pero ito ay nakapundasyon sa umiiral na Konstitusyon.

Sa sedisyon, tatangkain nitong palitan ang liderato sa sistemang labag o hindi ginagabayan ng Saligang-Batas.

Karaniwan itong madugo!

◘◘◘

ANG eleksiyon at rebelyon ay may parehong mithiin — pagpapalit ng lider.

Pero ang eleksiyon ay nakabatay sa Konstitusyon, samantalang, sa rebelyon — ang papalitan mismo ay ang Konstitusyon!

◘◘◘

ANG mga kandidato ay nangangako ng pagpapalit ng sistema para sa ikabubuti ng lahat.

Sa rebelyon o sedisyon, ang mga rebelde ay nangangako rin ng pagbabago at inihahayag din na pabor ito sa nakararami.

Pareho ang ikinakatwiran ng dalawang ideolohiya — sa ikabubuti ng lahat!

◘◘◘

SAKALING magwagi o magtagumpay ang mga rebelde na maagaw ang gobyerno — idedeklara nila ang mga “pinalayas” sa poder na “kalaban naman ng estado”.

Ibig sabihin, tipong nag-aagawan ang dalawang porma ng gobyerno — kung sino ang matalo — idedeklarang “labanan ng pamahalaan at kalaban ng nakararami”!

◘◘◘

MAHALAGANG maunawaan ng lahat kung paano na nagbabago ang gobyerno.

Mahirap masukat kung sino ang mali at sino ang tama — kapag pinag-uusapan ang “ikabubuti ng mayorya”!

◘◘◘

SA kabuuan, mahalagang magtakda ng Konstitusyon — dahil ito ang dapat umiral at ipinakikipaglaban ng bawat mamamayan.

Kapag ang mismong lider ay lumalabag sa Konstitusyon — kailangan siyang palitan.

Pero, sa demokratikong gobyerno, dapat dumaan siya sa maayos na proseso na itinatadhana mismo ng Konstitusyon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page