Kung sa GMA-7 daw, lahat ng shows, natsugi… Sigaw ng netizen: Ogie at Regine, malas, ABS-CBN damay,
- Beth Gelena
- Feb 18, 2020
- 1 min read

Kung minsan, sobra na talaga kung magbigay ng opinyon ang mga netizens sa mga artistang hindi nila gusto, tulad na lang sa mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
May netizen na nag-tweet at sinisisi ang mag-asawa kung bakit magsasara umano ang ABS-CBN at sinabihan pa niyang ‘malas’ o ‘jinx’ ang mga ito.
Sey ng netizen na si @JhearNel: “Malas ang mag-asawang Ogie, Regine. Kahit saan sila, laging nawawala, dati SOP, PP at SAS. Ngayon, feeling ko, sila ang may dala ng kamalasan sa pagsasara ng ABS-CBN.”
Simple lang ang sagot ng singer-composer-writer na si Ogie. Aniya, “God bless you!”
Dahil sumang-ayon sa tweet ni @JhearNel ang isang netizen, to the rescue ang mga fans at ipinagtanggol sina Ogie at Regine.
Komento ng mga supporters ng mag-asawa, “Paano naman naging true ‘yun? Internet has ruined you, baks! Ang daming reference pero ‘di mo nagagamit nang maayos. There is no such thing as jinx.”
“Nagkataon lang at ‘wag ninyong isisi sa kanila ang problema ng ABS-CBN. Wala silang kinalaman d’yan.”
“I don’t think they’re jinx.”





Comments