Ipinagpalit man sa iba, magkaka-bf pa rin ng moreno at matangkad na guy
- Maestro Honorio Ong
- Feb 18, 2020
- 2 min read

Katanungan
1. May boyfriend ako noon, kaya lang, iniwan niya ako at nakipagrelasyon siya sa ibang babae, kaya nagkahiwalay kami. Medyo nalulungkot ako dahil kung kailan 29-anyos na ako ay nagkahiwalay pa kami ng boyfriend ko kaya labis akong nanghihinayang.
2. Kailan ko makikilala ang lalaking itinadhana sa akin ng kapalaran at saan ko siya makikilala at ano ang palatandaan niya? Kasagutan
1. Kapag ang edad ng babae ay 29 na, dapat hinahanap na niya ang kanyang “destiny”. ‘Ika nga, dapat na siyang maalarma at kumilos dahil ito ang saktong sandali na dapat mo nang hanapin si Mr. Destiny mo.
2. Kapansin-pansing may dalawang namataang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b. at arrow c. at d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Sa kaliwa, kapansin-pansin na parehong maayos ang nasabing dalawang Marriage Line (Drawing A at 1-M at 2-M arrow a. at b.), samantalang sa kanang palad (Drawing B. 1-M) ay nabiyak ang unang Marriage Line (1-M arrow c.) habang buo at maganda naman ang ikalawang Marriage Line (Drawing B. 2-M arrow d.). Ibig sabihin, sa ikalawang pakikipagrelasyon, walang duda, magiging matagumpay ka na at panghabambuhay na liligaya na sa kasalukuyan, ang nasabing lalaki ay kakilala mo na at nagtataglay ng zodiac sign na Virgo o Capricorn. Dapat Gawin
Kaya, ayon sa iyong mga datos, Jane, ang palatandaan ng lalaking mapapangasawa mo ay medyo kayumanggi ang kulay, mas matangkad sa iyo at tulad ng nasabi na, nagtataglay ng zodiac sign na Virgo. Ayon sa iyong Love Calendar, mabubuo ang inyong relasyon hanggang sa tuluyan ka nang makapag-asawa ngayong 2020 habang pumapasok ang panahon ng tag-araw kung saan sa edad mong 29 pataas, magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyan nang makapag-asawa at magkaroon ng masaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments