top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Pebrero 18, 2020 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 18, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 18, 2020 (Martes): Yumayaman ang sinumang didikit sa iyo dahil sa maniwala ka o hindi, ikaw ay masuwerte. Payamanin mo ang iyong sarili at makikita mong ito ay totoo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lahat naman ay may kani-kanyang pagsubok na kinahaharap. Ituloy mo lang ang pangarap mo at huwag kang matitinag. Malalampasan mo rin ito kahit anong mga pagsubok ang mapunta sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-20-21-25-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka nag-iisa dahil palaging nasa tabi mo ang mga malalapit mong kaibigan. Huwag kang maglihim dahil handa silang umalalay sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-19-27-30-32-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi dapat makalagpas ang araw na ito kung kailan simple lang ang susi para dumapo sa iyo ang mga suwerte at ito ay ang ipakita mo na ikaw ay seryoso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-16-25-27-35.

CANCER (June 21-July 22) - Nabubuo ang relasyon kapag ang isa ay malayang nagsasabi ng mga gusto niya at ang isa pa ay malayang ipinadarama ang nasa puso niya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-12-29-31-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit nagmamahalan, hindi nakaiiwas na makagawa ng pagkakamali ang isa, kaya mahalaga para sa iyo ang mahabang pang-unawa dahil ang pagkakamali ay isa ring pagkakasala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-17-22-28-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabigat at mahirap buhatin ang isang sakong bigas kaysa sa isang kilo. Mabibigat ang pagsubok sa iyo dahil malalaki ang suwerteng puwedeng mapasakamay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-13-18-24-29.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tutukan mo ang iyong malalaking pangarap. Ang maliliit na bagay na gusto mong makuha ay pagkaabalahan mo sa ibang araw. Mas malalaki, mas madadalian ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-20-21-25-27.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Namumulaklak ang mga halaman sa tamang panahon. Huwag kang mainip at maging mapaghintay ka dahil tiyak na hindi masasayang ang iyong pagsisikap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-28-31-34-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nahuhulog ang mga bunga ng punongkahoy kapag inaalog. Simple lang ang sikreto para makuha mo ang iyong hinahangad. Ang kailangan mo ay dagdag na lakas at pagsisikap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-15-16-25-28.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang iba pang araw na darating. Isabuhay mo ang pagiging masinop at mapagpahalaga sa mga biyayang nasa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-18-20-21-23.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi masama ang humingi ng tulong, lalo na kung magpapatulong ka sa malapit sa iyo. Magsabi ka lang at tiyak na tutulungan ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-15-27-30-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag parang wala nang galaw ang agos ng buhay, pagbabago ang kailangan. Huwag mong ipilit na palakasin pa ang mahina na dahil bago na ang kailangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-20-21-24-30.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page